Friday , March 31 2023
Arrest Posas Handcuff

Wanted sa 6 kasong rape sa Makati kelot arestado

NAHAHARAP sa kasong rape ang 19-anyos lalaki na sinasabing sangkot sa patong-patong na kaso ng panghahalay  sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ang akusadong si Mark Ryan Palero  Beblañas, na inaredto sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ni Judge Flordeliz Cabanlit Fargas, ng Fourth Judicial Region, Branch 5, Trece Martires City, Cavite na may petsang 8 Nobyembre 2022.

Ayon sa ulat ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), dakong 11:58 pm ng nitong 9 Disyembre 2022 nang hulihin si Fargas ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group 4A, kasama ng iba pang elemento ng National Capital Region Police Office at Makati City Police Station  sa Araro St., Barangay Palanan, Makati City.

Napag -alaman, ang mga nakabinbing kaso ni Fargas ay anim na kinabibilangan ng 5 kasong rape at statutory rape na pawang walang inirekomendang piyansa at isang Sexual Assault na maaring maglagak ng P200,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan.

Nangangahulugang hindi maaaring makalaya ang akusado kahit bailable ang isa nitong kaso dahil ang lima pa ay pawang non-bailable. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …