Monday , April 15 2024
Antonella Berthe Murillo Racas Chess PAPRISA
Photo caption: ANG sagupaan nina Woman National Master Antonella Berthe Murillo Racasa versus Lyanne Belle Reyes.

WNM Racasa nagkampeon sa PAPRISA chess meet

MANILA — Pinatunayan ni Woman National Master Antonella Berthe Murillo Racasa na isa sa country’s young promising chess player nang magkampeon sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School Administrators (PAPRISA) chess championship na ginanap sa Niño Jesus House of Studies sa Pasig City nitong Martes, 6 Disyembre.

Si Racasa, kompiyansa sa event na tampok ang mga kabataang woodpushers ay nagposte ng perfect seven points para makopo ang titulo sa seven-round tournament na ipinatupad ang 20 minutes plus 10 seconds increment time control format.

Ang 15-anyos na si Racasa, estudyante ng Victory Christian International School, ay namayani kontra kina Charlene Alessandra Bacunawa, Aubrey Gayle De Leon, Stephanie Engles, Eloisa Jade Alcantara, Nimfa Geraldine Cacho, Eunice Busaco, at Lyanne Belle Reyes.

Kasama ang kanyang father/coach Roberto Manggaran Racasa, isang International Memory Sports champion, kilala rin sa palayaw na Tonelle sa chess world ay masisilayan sa Batang Pinoy sa 17-22 Disyembre  sa Vigan, Ilocos Sur.

Lalahok si Tonelle sa GMG CHESS Open Rapid Chess Tournament sa 31 Disyembre 2022 at sa Sir Herky Del Mundo Memorial Open Rapid Chess Tournament sa 3 Enero 2023, parehong gaganapin sa second floor Open Kitchen Foodhall, Rockwell Business Center, Sheridan Street, Mandaluyong City.

Si Tonelle kasama ang kanyang father/ coach na si Roberto, 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Madrigal Antonio, Jr., at National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., ay kakatawanin ang bansa sa 2023 Bob Wade Masters and Challengers sa 13-21 Enero 2023 na gaganapin sa Howick Community Church Complex sa Auckland New Zealand. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Pinoy wreslers Olympics

Pinoy wreslers, kayang umabot sa Olympics

KUMPIYANSA si Wrestling of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar na ang mga repormang ipinatupad …

Kheith Ryhnne Cruz TOPS Olympic

TOPS Olympic slots, target ni table tennis star Kheith Rhynne Cruz

MABIGAT ang hamon na kakaharapin ni Pinay table tennis phenom Kheith Ryhnne Cruz para sa …