Saturday , February 4 2023
benjamin bauto Chess
MAKIKITA sa larawan si Mr. Benjamin Bauto ng Cabanatuan City Chess Club

Sebastian nagkampeon sa Bustamante Open chess tournament

ni Marlon Bernardino

MANILA — Nakaungos sa tie break points si Ronnie Sebastian ng Talavera, Nueva Ecija para magkampeon sa 1st Jacinto Y. Bustamante Open Chess Tournament na ginanap sa SM Megacenter  sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong 27 Nobyembre 2022.

Si Sebastian ay nakisalo sa first-second places kay Jerry Areque na kapwa may tig 6.5 points sa 10 minutes + 3 seconds delay time control event na inorganisa ni Mr. Benjamin Bauto ng Cabanatuan City Chess Club.

Dahil sa mas mataas na tiebreak points ay nakopo ni Sebastian ang titulo, trophy at top purse P5,000 habang nagkasya si Areque sa second place para maiuwi ang medal plus runner-up purse P3,000.

Tumapos si Joselito Dela Cruz ng third place na may 6.0 points para maibulsa ang P2,000 plus medal.


Ang mga nakapasok sa top 12 na may tig 5.0

points ay sina Carlo Lucas (fourth), Edgar Bugtong (fifth), Joseph Ocampo (sixth), Jeremy Ramos (seventh), Jonathan Alindogan (eight), Era Bauto (ninth), Johnny Guerrero (tenth), Ferdie Bugay (eleventh) at Samuel Mateo Jr. (twelve).

Simula na ang pagpapatala ng Richard Ocampo Rapid chess tournament sa 18 Disyembre 2022 na gaganapin sa 3rd/F SM Megacenter sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

About Marlon Bernardino

Check Also

Casares, Alcoseba nanguna sa National Age Group Triathlon Series

Casares, Alcoseba nanguna sa National Age Group Triathlon Series

OLONGAPO – Ipinamalas ng Filipino-Spanish na si Fernando Jose Casares ang kanyang tibay, lakas at …

Henry Calacday

Calacday, Tayag, Soliman kalahok sa Tarlac chess tourney

MANILA — Pangungunahan nina Henry Calacday, Jesus Tayag, at Arnold Soliman ang pagtatangol sa probinsiya …

Martin Romualdez Justin Brownlee

Pagbati kay Brownlee ipinaabot ng Speaker

IPINAABOT ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbati sa basketball player na si …

Racasa Chess

PH woodpusher Racasa sasabak sa Indonesia

MANILA — Matapos magkampeon sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School …

Jan Emmanuel Garcia Herky Del Mundo MARLON BERNARDINO Chess

IM Garcia naghari sa Del Mundo Open Rapid chess tourney

MANILA — Pinagharian ni International Master (IM) Jan Emmanuel Garcia ang Sir Herky Del Mundo …