Monday , March 4 2024
Arrest Posas Handcuff

Rank 10 MWP ng PRO8, huli ng NPD

ARESTADO  ang isang lalaki na nakatala bilang rank 10 most wanted person (MWP) sa kasong rape ng Police Regional Office (PRO) 8 ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa isinagawang manhunt operation sa Apalit, Pampanga.

Kinilala ni NPD Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang naarestong suspek na si Ruel Quizol, alyas Rowel, 28 anyos, residente ng San Juan Apalit, Pampanga.

Ayon kay Col. Peñones, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Erosito Miranda ng impormasyon na naispatan ang presensiya ni Quizol sa Apalit, Pampanga.

Kasama ang NDIT RIU-NCR, PIU, 2nd LPMFC, Villaba MP-Leyte PPO, DID-NPD, WCPD-NPD at Apalit MPS ay agad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Major Joseph Ulfindo at P/Capt. Melito Pabon ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Quizol sa San Juan, Apalit, Pampanga dakong 11:30 am. Si Quizol, miyembro rin ng “Limos Carnapping Group” ay inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Dexter Lazarte Aguilar ng Regional Trial Court (RTC) Eight Judicial Region Branch 17 ng Palompon, Leyte, para sa kasong Statutory Rape. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

road traffic accident

Kinapos ng paghinga, pulis nahulog sa mobile vehicle nasawi sa sagasa ng Mitsubishi L200

ISANG malagim na insidente ang naganap nang ang isang miyembro ng Bulacan PNP ay nasawi …

Robin Padilla Mariel Rodriguez IV Drip

Sen Robin at Mariel humingi ng sorry sa gluta session

MA at PAni Rommel Placente NAGPADALA ng dalawang sulat si Sen. Robin Padilla noong Lunes, February 26,  …

Law court case dismissed

Sa Jemboy Baltazar case
PULIS GUILTY SA HOMICIDE, 4 KABARO, 4 BUWAN KULONG BUGAYONG, ABSUWELTO 

“GANOON LANG? Makalalaya lang sila, sana maramdaman din nila ‘yung nararamdaman ng pamilya ko ngayon …

Sa kasong Statutory Rape LAGUNA REGIONAL LEVEL NA MWP INARESTO NG MAGDALENA POLICE

Sa kasong Statutory Rape
LAGUNA REGIONAL LEVEL NA MWP INARESTO NG MAGDALENA POLICE

CAMP B/GEN. PACIANO RIZAL – Arestado ang isang most wanted person (MWP) sa regional level …

DSWD Project LAWA BINHI DRT Bulacan

DSWD Inilunsad ang Project LAWA at BINHI sa DRT, Bulacan

SA layuning matugunan ang mga epekto ng El Niño phenomenon sa mga mahihirap at mahihinang …