Wednesday , November 30 2022
Snooky Serna Maricel Soriano

Snooky puring-puri pagiging palaban ni Maricel

SA YouTube vlog ni Snooky Serna, na guest niya ang kaibigang si Maricel Soriano, ay sinariwa ng dalawa ang isang pangyayari noong nagsu-shooting sila ng pelikulang Schoolgirls mula sa Regal Films. Ito ang pelikulang pinagbidahan nilang tatlo ni Dina Bonnevie noong 1982 na mga teen-ager pa sila.

Habang nagsu-shooting sila ay may isang lalaking pinagtripan si Snooky.

Sabi ni Maricel, “Kay Kookie [Snooky] kasi, parang alam mo ‘yung niloloko kami.”

Ginaya ni Maricel ang tunog kapag nagtatawag ng aso.

Dugtong ng Diamond Star, “Ginagawa kaming aso. Naku, kinuha ko talaga ‘yung isang lalaki, hinatak ko siyang ganyan.

“Eh, anlaki niya, eh, hinatak ko siyang ganyan, in-uppercut ko talaga siya! O, ‘di nakatikim talaga siya.

“Sabi ko, ‘Wag mo kaming babastusin, ha! Naghahanapbuhay kami.’”

Sinegundahan ito ni Snooky: “Nananahamik kami bigla ba naman akong ginawang aso.

“Actually, hindi nga si Maricel ang inaano niyon, ‘di ba, ako?

“Siguro kasi akala kasi masyado bang sweetie-sweetie and everything, so mayroong [ginaya ni Snooky ang tunog sa pagtawag ng aso]…

“Hala, eh, ‘di, ginanun siya ni Diamond Star! Nanahimik siya.”

Papuri ni Snooky kay Maricel, “Iyan ang personality, iyan ang character ng isang Maricel Soriano, palaban.

“At saka talagang ipagtatanggol niya ang mga kasama niya sa trabaho, mga mahal niya sa buhay.

“Ganyan si Maricel, ang tapang.”

Sundot ni Maricel sa pangyayaring iyon, “Ayoko namang babastusin tayo kasi hindi naman tayo kabastos-bastos na mga tao.” (Rommel Placente)

About Rommel Placente

Check Also

Jake Cuenca Dimples Romana Sean de Guzman Tiffany Grey

Dimples pinuri ang pagiging propesyonal ni Sean

MA at PAni Rommel Placente ISA sa official entry sa darating na MMFF 2022 na magsisimula sa December …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Sean de Guzman Jake Cuenca Len Carillo Joel Lamangan Dimples Romana

Sean de Guzman bonus sakaling manalong Best Actor sa MMFF 2022

MATABILni John Fontanilla HINDI umaasang mananalo ng acting award si Sean De Guzman sa husay na ipinakita …

Angela Morena Stefanie Raz Micaella Raz

Angela wa keber suportahan ang kapatid

KITANG-KITA namin ang suportahan ng magkakapatid na Angela Morena, Stefanie Raz, at Micaella Raz sa pelikulang Bata pa si Sabel ng Vivamax na …