Wednesday , November 30 2022
Cebpac Maligayang P1so ngayong 11 11 Cebu Pacific Feat

Maligayang P1so ngayong 11.11 #CEBSuperSeatFest  muling handog ng Cebu Pacific

Cebpac Maligayang P1so ngayong 11 11 Cebu Pacific

PATULOY ang pagbibigay ng maagang pamasko ng Cebu Pacific sa muling paghahandog ng P1SO SALE ngayong 11.11.  

Sa halagang P1 one-way base fare (exclusive sa iba pang fees at surcharges), simula ngayong hatinggabi ng 11.11 ang limang-araw na #CEBSuperSeatFest ng Cebu Pacific at magtatapos sa 15 Nobyembre.

Ang travel period ng 11.11 #CEBSuperSeatFeast ay mula 1 Pebrero hanggang 31 Oktubre 2023 upang magkaroon ng pagkakataon ang mga biyahero na makagplano ng kanilang ‘dream trips’ sa loob ng pinakamalawak na domestic network ng Cebu Pacific pati na ang kanilang extensive international routes. 

“This Christmas will be the first time many families will be celebrating together in two years, so we understand how special this season will be. We are also encouraged to see people traveling again. To kick-off the festivities and bring more people together, we are offering our trademark PISO fare,” pahayag ni Candice Iyog, Vice President for Marketing and Customer Experience ng Cebu Pacific.

Maisasakatuparan ng ‘everyjuan’ ang kanilang travel wishes sa pamamagitan ng ng p1so sale ng Cebu Pacific. Puwedeng-puwede na nilang puntahan ang mga beach ng Boracay at Dumaguete; o kaya ay mag-food trip sa Davao, Dipolog, at Tacloban. Ilan lamang ang mga nasabing destinasyon na kabilang sa 11.11 #CEBSuperSeatFest ng airline.

Abot kamay din sa 2023 ang mga international travel wishlist dahil sa mas pinaluwag na requirements para sa mga turista kaya nakapagdagdag ang Cebu Pacific ng direct flights sa mas maraming destinasyon. Kabilang rito ang Bali at Jakarta sa Indonesia; Hanoi at Ho Chi Minh sa Vietnam; Bangkok sa Thailand; Kuala Lumpur at Kota Kinabalu sa Malaysia; at marami pang iba.

Maaaring gamitin ng mga pasahero ang kanilang mga existing travel funds na pambayad sa mga flights at add-ons ngayong 11.11 seat sale. Bukod sa Travel Fund, kabilang sa mga payment options ang payment centers, credit/debit cards, at e-wallets.

Sa kasalukuyan, lumilipad ang Cebu Pacific sa may kabuuang 34 lokal at 19 internasyonal na destinasyon. Patuloy ang airline sa pagpapatupad ng multi-layered approach to safety kabilang ang pagkakaroon ng 100% fully vaccinated crew, ang 95% sa kanila ay mayroon nang booster para sa mas ligtas at mas maaliwalas na biyahe ng everyJuan.

Maaaring mag-book ng mga ticket ngayon 11.11 P1so seat sale sa www.cebupacificair.com. ###

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Manipis na buhok pinakapal ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Puregold Nasa Iyo ang Panalo

Nasa Iyo Ang Panalo digital ad series ng Puregold panalo sa netizens

MINAMARKAHAN ng taong ito ang ika-25 taon ng Puregold bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape. …

Loiegie Dano Tejada Ms Ls Beauty

Ms L’s priority ang good health ng mga Pinoy

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na grand opening ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation …

Krystall Herbal Oil, Fely Guy Ong, FGO

Kulugo sa paa tanggal sa Krystall Herbal Oil 

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong,                Ako po …

BONDS by IQOS Philip Morris

Para sa smoke-free future
PMI NAGLUNSAD NG ABOT-KAYANG HEATED TOBACCO

INILUNSAD ng Philip Morris International Inc. (PMI) ang kanilang bago at abot kayang heated tobacco …