Saturday , April 27 2024
Chase Romero Socmed Housemates

Socmed Housemates movie multo ng mga problema

HARD TALK
ni Pilar Mateo

DALAWANG batches ng hopefuls na ang tinanggap ni Doc Michael Aragon sa kanyang kalinga. 

Siya ‘yung may mission-vision na makatulong sa hopefuls na nagnanais at nangangarap na maging bahagi ng industriya ng showbiz.

Ang offer ni Doc Mike ay magbigay ng libreng workshops to hopefuls na gusto mag-artista. And at the same time, mabigyan sila agad ng proyekto na siya nilang magiging resibo para masabing mga lehitimo na nga silang manggaganap sa TV man o pelikula.

Kaya ang mga pumasok sa Bahay ni Miah (Jeremiah Palma, na isang premyadong  direktor) ay may sasalangan na ngayong proyekto, na layong iikot ni Doc Mike sa sari-saring festivals abroad.

Naipakilala na ni Doc Mike ang first batch niya. At sa ikalawa, marami kaming nakitang outstanding na pansinin agad.

Tatlo sa 15 ang agad kong nakausap.

Si Chase Romero. Na gumanap na bilang tauhan  ni Geoff Eigenmann sa kanyang Black Ops sa FPJs Ang Probinsyano bilang si Officer Clara de Castro. Kaya agad namin itong namukhaan.

Suki na pala ng teatro si Chase. At naging commercial model na rin ng Grab Food, Rexona, ng kontrobersiyal na RC Cola at iba pa. 

Ang aktor na si Ricky Rivero ang dahilan kaya siya nakapasok sa telebisyon, sa isang Viva serye. 

Isang challenging role ang gagampanan niya rito sa Socmed Ghosts ni Doc Mike.

Si Erica Dales naman, na mula sa Dumaguete ay nangangarap na talagang maging isang artista, batang paslit pa lang.

Sa mga nakausap ko, ito ang masasabing palaban. Dahil okay sa kanya ang magpa-sexy. Na napapanood na niya sa ilang streaming platforms.

Idol niya si Andrea Brillantes. At si Christine Bermas. 

Sinubok na rin niya ang modeling. At isa rin siyang singer na iniidolo si Sarah Geronimo.

Si SK o Sheikayna Ylaya ang pinaiyak kami sa kanyang hugot. Problemang pinansyal at pagtulong sa pamilya ang bitbit nito sa pagpasok sa workshop ni Doc Mike.

Ang kapatid niya ang breadwinner sa kanila. Marami na siyang sinasalihang audition pero hindi pinapalad. At sa huling pagkakataon, tinanong na niya ang Kuya niya kung mayroon ba silang mauutangan nang makita niya noong September 30, 2022 ang post para sa audition ni Doc Mike na libre.  Na last day na ang October 1.

P100 na lang ang pera niya. Mula Bulacan to SM-North, eh P40 na ang inabot. Kaya naglakad siya papunta sa kung saan gagawin ang audtion, sa Francesa Towers malapit sa GMA-7.

Dasal ang kaakibat ng hamong hinarap ni SK.

Ngayon, may magandang role siya sa Socmed Ghosts!

Proud naman si Doc Mike sa kanyang proyekto. Dahil napapanahon ang iikutang mga isyu at plot ng pelikula na siya ang umisip.

Tungkol sa extra judicial killings, extreme hunger and poverty, child prostitution, at climate justice.

Ang mga tauhan sa pelikula ay nabiktima ng nasabing pangyayari. Namatay sa baha at paglapastangan sa kalikasan, nalason sa pagkain ng pagpag dahil sa kahirapan, pagbubugaw ng sariling mga magulang para ibenta ang anak at extra judicial killings.

Natutuwa ang mahigit 20 alaga o kinakalinga ngayon ni Doc Mike at kanyang team dahil sagot nila lahat ng pangangailangan ng kanilang artists.

Mga batikan at premyado namang mga artista ang susuporta sa grupo sa nasabing proyekto.

Panibagong batch ng mga artista na naman ang ating aabangan sa kanila.

Idagdag dyan ang mga katutubong umaasam na mapansin ang talento nila sa pag-arte at pagkanta. 

Ang mga aeta na sina Jason Naruso at Arjohn Gilbert na maipapantay sa mga world class artists ang talento pero agad ng naging biktima ng pang-iisa ng minsang naging manager nila.

At mayroon ding mula sa Mindanao na Manobo. At mula rin sa Sultan Kudarat.

Nag-e-enjoy ang hopefuls sa camaraderie ng grupo dahil may natututunan din sila sa bawat isa.

Kaabang-abang na ang proyektong alam mong may magandang intensyon. Hindi lang pangako ng workshop ang ibibigay sa kanila kundi ang produkto ng isang workshopper na sila bilang mga estudyante ang gagawa.

Bonus na ang mapansin sa ibayong-dagat. 

Naniniwala kasi si Doc Mike na hindi sa pagkakaroon lang ng sertipiko kinikilala ang isang hopeful. Kailangan nga naman na may resibo ito sa ibinunga ng pinagpaguran niya sa kanyang workshop

About Pilar Mateo

Check Also

Innervoices

Miyembro ng InnerVoices binato ng sanitary napkin sa show

MATABILni John Fontanilla MAY unforgettable experience ang isa sa miyembro ng bandang InnerVoices, si Angelo Miguel(vocalist) sa …

David Licauco Derrick Monasterio Teejay Marquez Kiko Estrada Enzo Pineda Ruru Madrid

Ruru, Teejay, Derrick, Enzo, David, at Kiko  nagsapawan

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang pagpapalabas ng barkada film nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Myrtle Sarrosa Kristoffer Martin Claire Castro

Myrtle bistado na, relasyon nina Kristoffer at Claire nanganganib

RATED Rni Rommel Gonzales MANAGOT na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan …