Friday , June 2 2023

The Broken Marriage Vow wagi sa 6 na kategorya ng 2022 Asian Academy Creative Awards

NASUNGKIT ng ABS-CBN, ang 16 national honors sa 2022 Asian Academy Creative Awards (AAA), na kakatawanin muli ang Pilipinas sa regional awards sa Singapore sa Disyembre 8.

Makakalaban ng 16 na programa at personalidad ng ABS-CBN ang mga national winner mula sa ibang bansa sa Asia Pacific, kabilang ang kasalukuyang Best Entertainment Host na si Vice Ganda na nominado muli sa parehong kategorya.

Mayroong anim na national winner titles naman ang The Broken Marriage Vow kasama rito sina Jodi Sta. Maria bilang Best Leading Actress at Zaijian Jaranilla bilang Best Actor in a Supporting Role. Itinanghal din ang hit series bilang national winner para sa Best Adaptation of An Existing Format, Best Promo o Trailer, Best Editing (Rommel Malimban), at Best Theme Song o Title Theme (Gusto Ko Nang Bumitaw ni Morissette).

Panalo naman ang It’s Showtime ng dalawang titulo—Best General Entertainment, Game, o Quiz Program at Best Direction (John Moll).

Apat na programa ng ABS-CBN din ang nanalo sa kani-kanilang kategorya. Ito ang KBYN: Kaagapay ng Bayan(Best Current Affairs Program or Series); ASAP Natin ‘To” (Best Music or Dance Programme); Maalaala Mo Kaya – Beauty Behind Bars Episode (Best Single Drama o Telemovie/Anthology Episode); at The Crawl Singapore ng Metro Channel (Best Lifestyle Programme).

Hindi rin nagpahuli ang ibang Kapamilya artists na masungkit ang ibang national winner titles kabilang si Dimples Romana ng Viral Scandal (Best Actress in a Supporting Role) at Pepe Herrera ng My Papa Pi (Best Comedy Performance).

Samantala, Best Feature Film naman ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine).

About hataw tabloid

Check Also

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, TVJ

TVJ sa TV5 na mapapanood 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASADO na ang  paglipat ng iconic show nina Tito, Vic, at Joey sa TV5. At ang …

ABS-CBN Kapamilya Online Live

3 Primetime shows ng ABS-CBN winasak viewership record sa KOL

NAGTALA ng panibagong all-time high online viewership record ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN sa loob lamang …

Misha de Leon

Misha de Leon naglabas ng debut single 

NAGLUNSAD ng debut single ang dating Idol Philippines season 2 contestant na si Misha De Leon, ang Damdamin.  Ang …

Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil

LizQuen hiwalay na

KINOMPIRMA na ng dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na hiwalay na ito kay Enrique Gil. Sa Showbiz …

Moira dela Torre Parents Lolito Go

Lolito at mga magulang ni Moira nagkaiyakan 

HINDI pa tapos ang pagpapahayag ng kani-kanilang saloobin ukol sa binuksang usapin ni Lolito Go kay Moira. Pagkatapos …