Mike Tan

Mike tinupad pangarap na makapagtapos

MATABIL
ni John Fontanilla

FEELING nasa cloud 9 ang Kapuso artist na si Mike Tan dahil nagtapos na siya sa kolehiyo sa kursong Psychology sa Arellano University.

Sobrang nakabibilib si Mike dahil nagawa niyang pagsabayin ang kanyang pag-aarista, buhay may asawa, at pag-aaral.

Isa nga sa matagal na pangarap ni Mike ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo na kanyang pinagsumikapan kahit sobrang dami niyang ginagawa. Hindi pinabayaan ni Mike ang kanyang pag-aaral.

Ipinost ni Mike sa kanyang Instagram ang snaps ng kanyang virtual graduation. Caption niya: “Finally…way to happy.”

Nagpasalamat ang aktor ito sa kanyang mag-ina, pamilya, kaklase, at mga guro.

I am grateful to God for His presence, provision, and His pipelines of grace,” dagdag niya.