Wednesday , October 5 2022
Rhea Tan Beauty Gonzalez

Rhea natuwa sa kabutihan at propesyonalismo ng aktres
BEAUTY MAGRERETIRO HABANG SIKAT PA

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 “I wanna retire at my peak.” Ito ang ibinigay na katwiran ng isa sa bagong mukha ng BeautéHaus ng Beautederm na si Beauty Gonzalez nang matanong ukol sa nasabi nito kamakailan na gusto niyang magretiro nang maaga sa showbiz.

Sa paglulunsad kay Beauty ng Beautederm bilang bagong mukha ng BeautéHaus noong September 9 sa Luxent Hotel, sinabi ng aktres na, “Ako kasi, I’m the tye of person na pinaplano ko talaga. As much as I can, kung kaya kong planuhin ‘yung career ko, i would plan it,” paliwanag ng aktres.

Sinabi pa ni Beauty na mas gusto niyang magpahinga sa showbiz kung kailan nasa peak ang kanyang career.

“If i’d be retiring, I wanna retire at my peak. I don’t wanna retire feeling na I’m going down para when I turn my back, naka-smile pa rin ako, hindi ako umiiyak,” katwiran pa nito.

Samantala, itinatag ni Rhea Anicoche-Tan ang BeautéHaus noong 2016. Ang BeautéHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group Of Companies at itinuturing na major beauté clinic sa Angeles City, Pampanga.

Ipinagmamalaki ng center na isa sa pinakamahusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa dermatology na mayroon pati na rin ang mga latest top-of-the-line, cutting-edge na machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.

Sa nakalipas na amin na taon, ‘di na mabilang ang mga nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga procedure nito gaya ng signature Beautédrip, Snow White Laser, CO2 Renew Laser, Exilift, at ang pinakabago at sikat na sikat nitong Ultherapy among many other fabulous and life-altering treatments.

Kinakatawan ni Beauty  ang mga ideal ng BeautéHaus—ang pagmamahal sa sarili na siyang nagbibigay ng grasya at lakas ng loob sa isang tao na mahalin ang kapwa.

Isa si Beauty sa pinaka-talentado at respetadong dramatic na aktres ng kanyang henerasyon sa pelikula at telebisyon at isa siya ngayon sa mga bida ng top-rating afternoon drama series ng GMA-7 na The Fake Lifekasama sina Ariel Rivera at Sid Lucero. Kasama rin siya sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters na malapit nang umere sa Kapuso Network.

Bilang isang wellness enthusiast, mahalaga kay Beauty na alagaan ang sarili upang magkaroon ng balanseng buhay bilang isang aktres, asawa, at ina kaya siya ang karapat-dapat na maging mukha ng BeautéHaus.

Ilan sa mga paborito niyang BeautéHaus procedures at treatments ay ang Exislim – a machine that combines the technology of RF and ultrasound for body slimming that is also ideal for skin tightening; M-Shape–a non-invasive, body sculpting and slimming machine with no downtime; Snow White Laser–a skin lightening treatment best for uneven skin tone, dark spots and marks, and other pigmentations; BeautéDrip–a supplementation for wellness and beauty administered via IV (intravenous route) that contains high dose of glutathione, collagen, and vitamins for boosting the immune system, increasing energy, and is an antiaging while giving the skin a brighter tone;  BeautéTox–an injection procedure to improve or diminish wrinkles and fine lines for a more youthful look; at Lite Facial–a basic facial procedure for removing whiteheads, blackheads, and clogged pores in maintaining a clear skin.

“Maligaya po ako ngayong bahagi na ako ng BeautéHaus family that is doing wonders to the lives of many people by making them feel more beautiful and confident,” ani Beauty. “Blessed din po ako to be a part of BeautéHaus because the center is helping me to age gracefully since I’m not getting any younger.”

Aminado naman si Ms Rhea na bagama’t natutuwa siya sa body of work ni Beauty, talagang napamahal sa kanya ang aktres dahil sa kabutihan ng puso nito at dahil very professional ito. “Ang sarap ng experience namin while working with Beauty. I have always been drawn to hard-working women who values friendship and family like Beauty. Hindi lang siya maganda at talented, napakabuting tao rin niya.” 

At siyempre hanggang-hangga din si Beauty at tuwang tuwa sa init ng pagtanggap ni Rhea sa kanya sa pamilya. “I am really grateful to Ms. Rei for trusting me to represent BeautéHaus. Inspirasyon siya sa mga babaeng katulad ko dahil maganda ang kanyang puso. She is so blessed because she is truly beautiful inside and out. Role model ko siya and I sincerely thank her from the bottom of my heart.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gene Juanich Once On This Island

Gene Juanich mapapanood sa Broadway musical na Once On This Island

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRANG tuwa ng singer/songwriter na si Gene Juanich dahil bahagi siya siya sa CDC Theatre’s regional Broadway …

Jeric Gonzales

Star Up PH malaking break kay Jeric

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG malaking break ang ibinigay at suporta ng GMA sa alaga naming si Jeric …

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Genesis Gallios

Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad 

MA at PAni Rommel Placente NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the …

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …