Friday , September 30 2022

Kasong kriminal, administratibo sa sugar fiasco
SEBASTIAN, SERAFICA 2 SRA OFFICIALS, IPINAASUNTO  

090922 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan

MATAPOS tuldukan ng Senate Blue Ribbon committee ang pagdinig sa sugar fiasco, inirekomenda ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating Sugar Regulatory Administration (SRA) chief Hermenegildo Serafica, at dating SRA board members Ronald Beltran at Aurelio Gerardo Valderama, Jr.

Ayon kay Senador Francis “Tol” Tolentino, Chairman ng Blue Ribbon Committee, sa botong 14 mula sa 17 miyembro ay inirekomenda ang mga kasong

serious dishonesty, grave misconduct, gross neglect of duty, conduct prejudicial to the best interest of the service bilang administrative cases sa ilalim ng civil service.

Inirekomenda rin ng komite sa Ombudsman na sampahan ng kasong kriminal ang mga nasasangkot dahil sa paglabag sa mga seksiyon ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Anti- Agricultural Smuggling Act, at isang kaso ng usurpation of functions sa ilalim ng Article  177 ng Revised Penal Code (RPC).

Iminungkahi ng komite ang pag-amyenda sa Executive Order No. 18 ng RA 10659 o ang Sugarcane Industry Development Act of 2015 at iba pang kaugnay na mga batas upang magpasok ng “transparency and accountability” sa proseso ng pag-iisyu ng import permits at iba pang critical issuances.

Pag-amyeda sa EO 18 para sa pagpapalawak ng SRA Board mula sa walong miyembro kasama ang agriculture secretary bilang ex-officio chairman at ang karagdagang board members upang katawanin ang mga consumer mula sa industriya at kabahayan, mga manggagawa sa industriya ng asukal, sugar transportation sector workers, at iba pang other stakeholders.

Amyenda ng EO 18 upang ipagbawal ang delegasyon ng awtoridad sa SRA board para

i-reclassify ang asukal.

Pagrepaso at rasyonalisasyon ng mga polisiya at patakaran sa pag-aangkat ng asukal ng pamahalaan.

Sapat na pondo para sa RA 10659.

Paghahanda ng SRA ng “sugar importation plan with appropriate safeguards” para sa pagrerepaso ng mga nakatataas na opisyal.

Hindi sumang-ayon o lumagda sa naturang komite report si Deputy Minority Leader Senadora Risa Hontiveros dahil naniniwala siyang hindi lamang si Sebastian ang sangkot sa kontrobersiyal na Sugar Order No. 4.

Tiniyak ni Senate Minority Leader Senator Aquilino “Koko” Pimentel na maglalabas ng hiwalay na report ang minorya.

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …