Wednesday , September 28 2022
Anthony Taberna Ciara Sotto

Taberna at Ciara pasok sa ALLTV

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PUMIRMA rin ng kontrata  ang commentaries, broadcast journalist, at radio commentator na si Anthony Taberna gayundin ang TV at movie actress na si Ciara Sotto. Kasama na sila sa  listahan ng mga mapapanood/mapakikinggan sa growing roster of broadcast personalities sa pag-arangkada ng Advanced Media Broadcasting System’s (AMBS) ALLTV.

Dumalo  sa pirmahan sina AMBS President Maribeth Tolentino, AMBS General Counsel Atty. TJ Mendoza, at AMBS Chief Finance Officer Maryknoll Zamora na naganap sa Mella Hotel sa Las Piñas. Kasama ni Taberna ang asawa niya at Outbox Media’s top executive na si Rossel.

Ang ALLTV ang newest TV network na sasali sa Philippine broadcast spectrum na layuning makapagbigay sa Filipino viewers ng elevated TV experience sa bansa.

Ani Tolentino, kinuha nila bilang isa sa pioneer talent ng ALLTV si Taberna dahil sa high-trust rating nito.

We welcome Mr. Anthony Taberna to our family. Ka Tunying’s intelligent insights on radio and TV make him one of the trusted news personalities in the country.  He gives our public interesting views,  news scoops, and entertaining programs, making him fit for ALLTV,” ani Tolentino.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Taberna sa pagkakasama sa listahan ng mga top radio at TV commentator sa ALLTV.

Thank you po sa pamilya ng AMBS dahil pamilya n’yo na ako ngayon.  Salamat po sa tiwala ninyo sa akin. Alam ninyo, pinag-uusapan nga namin ng aking boss – ang aking misis – kung ano ang maiaambag natin sa larangan ng telebisyon… sabi niya sa akin, 48 years (old) pa lang naman ako sa January….Kumbaga ay napakamura ko pa lang po para lumisan sa larangan ng telebisyon,”  ani Taberna.

Sinabi pa niTaberna, na 30 taon na sa broadcast industry, na excited siya sa pakikipag-partner sa ALLTV. 

Ang pagsimula po ng aking pang-40 na taon sa pamamahayag, kasama ko po ang AMBS-ALLTV,”  sambit pa ng brodkaster.

Masaya rin si Ciara na masali sa TV network na kinabibilangan nina Willie RevillameToni Gonzaga at Paul Soriano.

I am honored to be considered as one of your talents, and I am very, very excited to work with all of you. God bless you and I promise I’d do my best, and I am very, very easy to work with,” sambit ni Ciara na kasalukuyang presidente at founder ng Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA). Siya rin ang founder ng women’s community group, ang PRINSESA.

Sa kabila ng kanyang achievement, binibigyang halaga ni Ciara ang kanyang pagiging ina ni Crixus. Si Ciara ang bunsong anak nina dating Senate President Vicente Sotto at Helen Gamboa.

We are focused on bringing exciting entertainment shows to our viewers, and I am sure Ciara can help us with that aspect,” ani Tolentino. “Handa tayong magpasaya for all sa ALLTV.”

At para mapalakas ang kanilang programming, pumirma ng content license agreement  ang ALLTV sa CNN Philippines, ang most trusted news source sa bansa para sa airing ng kanilang flagship new program, ang News Night.

Ang ALLTV ay available sa Channel 2 sa Planet Cable at free TV, Channel 16 sa digital, Channel 35 sa Cignal TV at Sky Cable, at local cable providers nationwide. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Gladys Reyes

Moments ni Gladys mas matagal pa sa Mara Clara

MA at PAni Rommel Placente ISA ang Moments hosted by Gladys Reyes Sommereux sa mga show ng NET25 ang talagang tinatangkilik …

Ynez Veneracion

Ynez ayaw na sa pagpapa-sexy

HARD TALKni Pilar Mateo BALIK-PELIKULA ang sexy star na si Ynez Veneracion. Sa pagkakataong ito, si …

Lala Sotto-Santiago

Chair Lala babalansehin pagsaklaw sa online streaming

HARD TALKni Pilar Mateo SUBSOB na sa trabaho niya ang bagong talagang (Movie and Television …

Bobby Andrews Maris Racal

Bobby Andrews gaganap na tatay ni Maris 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga MAPAPANOOD na simula sa Setyembre 29 ang dating teen heartthrob na …