Thursday , September 29 2022
Harlene Budol Hipon Girl

Herlene never ibabasura ang taguring Hipon Girl

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ITINANGHAL mang Bb Pilipinas 1st runner up at sunod-sunod ang projects at endorsement, never tatanggalin ni Herlene Budol ang taguri sa kanya bilang Hipon Girl.

Katwiran ni Herlene, ito ang unang taguri na nagpasikat sa kanya kaya hinding-hindi niya ito aalisin kahit sikat na siya.

Sa pagpirma ng kontrata ni Herlene bilang ambassador ng Rejuviant Premium Cocoberry at Body Wash at Premium Instaglow Lotion, ipinagdiinan ng Kapuso actress at beauty queen na kahit may korona na siya bilang beauty queen at isa na ring brand endorser, hindi niya naisip na ibasura ang pagiging “Hipon Girl.”

Hindi ko aalisin ‘yun, ‘no! I love hipon,” katwiran nito nang matanong kung aalisin na ang taguri sa kanya bilang Hipon ngayong beauty queen at ambassador na.

Rati, favorite ko na ‘yun, eh. Wala, eh! Ikaw ba naman, since 2018, lahat ng pinupuntahan ko ipinakakain sa akin lagi, hipon.

“Lahat ng klase. Kaya siguro ngayon, isa-isa na lang, ganyan. Dati, patay-gutom ako sa ganyan, eh,” katwiran pa nito.

Hindi ko iwawala sa buong buhay ko ang pagiging Hipon Girl. ‘Pag nagpapakilala nga ako, eh, kahit maghahanap ako ng trabaho, sasabihin ko, Herlene Hipon Budol po ang sasabihin ko.

“Herlene Hipon Nicole Budol. O, ‘di ba, ang dami?

“Hindi ko siya wawalain, kasi, roon ako, eh (nakilala). Doon ako nag-start. Ang taong marunong lumingon sa pinanggalingan, mas iniaangat ng Panginoong Maykapal,” sambit pa ng beauty queen.

Sa kabilang banda, dahil sa pagiging down to earth at kutis porcelana, kinuha siya ng Rejuviant para maging brand ambassador. Kasama niya rito ang misis ni Luis Manzano, si Jessy Mendiola.

Si Jessy ang unang celebrity endorser ng Rejuviant na pag-aari ng pamilya ni Chique Ballon (CEO) at ikalawa si Herlene. Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng dating host ni Willie Revillame sa Wowowin dahil ka-level na niya si Jessy.

Biro nito, para na silang mag-sister ni Jessy at kapag tumitingin siya ng mga picture sa social media naguguluhan na siya kung sino talaga si Jessy at kung sino si Hipon Girl.

Very proud at flattered si Herlene na kasama niya si Jessy na nag-eendoso ng mga beauty products at nagpapasalamat siya sa pamilya ni Ms. Chique sa tiwalang ibinigay sa kanya.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Xian Lim Genesis Gallios Vin Abrenica

Xian at Vin magbibigay-saya sa bday show ni Genesis

“CRUSH ko ‘yang si Xian. Si Vin naman alam mo naman ‘yung lalaking-lalaki, ang gwapo-gwapo, …

Ashley Aunor, PMPC Star Awards for Music

Ashley Aunor, inspirational ang latest single na Money Loves Me 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INUSISA namin ang talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor kung …

Ava Mendez

Ava Mendez after maging sexy star, dream naman maging action star 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Ava Mendez sa limang naggagandahan at nagseseksihang babae na naging dyowa ni …