Wednesday , April 17 2024
Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa bagong talents ng kilalang manager na si Jojo Veloso.

Si Arrahay 19 years old, tubong Makati City at may vital statistics na 34-20-34.

Sa ngayon ay hindi muna siya nag-aaral, pero ipinahayag ng magandang newcomer na naniniwala siya sa kahalagahan ng edukasyon.

Wika ni Arrah, “At this time po, hindi. But education is a big thing for me, so I would like to pursue my studies eventually. I had to stop because I had to focus on my businesses. I own a clothing shop and a bakery.”

Paano siya napunta kay Tito Jojo? “I met him through Tito Xavier (Garcia). Then nagpa-VTR po siya, then I grab the opportunity and there it is, I’ve met Tito Jojo Veloso, my manager.

“He’s truly one of the nicest persons I’ve ever met in the industry,” nakangiting saad ni Arrah.

May experience na ba siya sa acting? Nakapirma na ba siya ng kontrata sa Viva?

Esplika ng dalaga, “Yes po, I did multiple workshops with ABS-CBN Star Magic when I was very young. I had supporting roles here and there, as I grow up.

“Yes po nakapirma na ako sa Viva and I cannot be grateful enough! I’m very thankful to my manager na si Tito Jojo for giving me the opportunity to pursue one of the things I’ve always love to do, which is acting.”

Padating naman sa role na gusto niyang magampanan, ito ang ipinahayag ni Arrah, “I always want to be the main kontrabida. Because this is something I’ve always picture myself to do. “

About Nonie Nicasio

Check Also

Streetboys

Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert

RATED Rni Rommel Gonzales NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member …

Ina Raymundo Will Ashley Adolf Alix Jr

Will itinodo acting sa intimate scenes kay Ina

HARD TALKni Pilar Mateo X & Y.  Sa alphabet kahit nasa dulo, powerful na mga letra. Ginagamit …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Donny Pangilinan Ina Raymundo

Donny nakapaglabas ng raw emotions habang kaeksena si Ina

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Ina Raymundo, naging madali lang para sa kanya na …