Saturday , October 1 2022
Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Zeinab opisyal nang oral care ambassador ng Beautéderm

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

OPISYAL nang inilunsad ng Beautéderm Corporation ang social media star na si Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador sa pamamagitan ng Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair.

Developed, tested, at manufactured sa Japan, ang KO-REI-SU ay kombinasyon ng mga Nihongo na salita na KOKOTARU (bright), URESHII (happy), at TISU (teeth).

Layunin ng Beautéderm na gawing isang top tier oral hygiene essential ang Koreisu Family Toothpaste dahil ito ay fluoride-free at triclosan-free na mayroong minimal ingredients kaya naman ligtas gamitin at epektibo sa buong pamilya. Gawa ang Koreisu sa Sodium Bicarbonate (baking soda) kaya ligtas itong alternatibo sa mga commercial toothpaste na hindi isinasakripisyo ang mga anti-plaque benefits habang nilalabanan ang tooth-decay na nagdudulot ng bacteria. Ang brand na ito ay may whitening toothpaste rin na mayroong activated charcoal na nagtatangal ng mantsa sa ngipin at ‘di kanais-nais na amoy.

Ang Etré Clair naman ay mga produkto ng antibacterial mouthwash at mouth spray na bahagi ng all-natural oral care products ng Beautéderm. Gawa sa 100% organic na mga sangkap, ang Etré Clair ay isang minty breath freshener na may mabisang antibacterial at antiseptic properties na pumapatay ng bacteria at nilalabanan ang bad breath. Gaya ng Koreisu, pinapuputi rin nito ang ngipin sa pagtanggal ng mga mantsa kaya naman mas confident na ang ngiti.

Bilang isang certified star na may humigit na 50 million followers sa Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-influential na personalidad sa social media ngayon sa pamamagitan ng kanyang mga lifestyle vlogs at challenge na paborito ng mga netizen ‘di lamang dito sa Pilipinas maging sa buong mundo.

Bilang isang batang artista, mahalaga kay Zeinab ang dental at oral health na madalas niyang banggitin sa kanyang vlogs kaya naman swak na swak na siya ang brand ambassador ng Koreisu and Etré Clair. “Para sa akin, kailangan nating alagaan at i-prioritize ang oral hygiene. Palagi kong ipinapaalala sa viewers ng aking vlogs na kailangan nating magsipilyo tatlong beses sa isang araw.”

Maligaya si Zeinab ngayong opisyal na siyang bahagi ng pamilya ng Beautéderm. “Malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. Ramdam ko ang pagmamahal nila noong sinalubong nila ako,” sabi ni Zeinab. “Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang-iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginamit ko dati. Perfect din ang Etré Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko rito at pinoportektahan pa nito ang aking bibig in an instant. I could really feel that my teeth and gums are fully protected with Koreisu and Etré Clair…nasa next level talaga sila.”

Ang Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan naman ay excited din na maksama si Zeinab sa lumalaking pamilya ng Beautéderm. “Very welcome addition si Zeinab na maging pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot namin ang mas bata at mas malawak na mercado dahil sa kanyang kamangha-manghang platforms,” sambit ni Rhea. “Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador.”

Si Zeinab naman ay ‘di na makapaghintay sa mga one-of-a-kind adventures kasama ang kanyang Beautéderm family. 

Maligayang 13th anniversary kay Mommy Rei at sa aking Beautéderm family. Excited na po akong mag-celebrate ng marami pang anniversaries sa piling ninyo. I am 100% sure that there will be more and more support for Beautéderm and I am honored to be a part of that.”

Ipakita mo na ang iyong brightest, happiest teeth, at lasapin ang kompletong oral care package kasama ang Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair ng Beautéderm.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …