Wednesday , October 5 2022
Cloe Barreto Sean de Guzman 2

Sean pinagpasasaan, pinahirapan ni Cloe

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAMA ang tinuran ni Sean de Guzman na ang pelikula nila ni Cloe Barreto na The Influencer ng 3:16 Media Networkna mapapanood sa Vivamaxsimula August 12ang itinuturing niyang best movie niya so far. Talagang sobrang nag-improve ang acting ni Sean mula sa launching movie niyang Anak ng Macho Dancer hanggang sa mga pelikulang Nerisa, Taya, HugasMahjong Nights, Bekis on the Run, at Iskandalo

Kaya hindi na kami nagtataka kung super proud si Sean sa The Influencer na nagpakita ng galing niya sa pag-arte lalo na nang kidnapin siya ni Cloe dahil sa sobrang obsessed ito sa kanya. Nariyang itali, bugbugin, pahirapan, pagpasasaan siya ni Cloe para ma-satisfy lang ang sexual urge nito.

Sinabi rin ni Sean na itong pelikulang ito ang pinaka-daring na nagawa niya. “Mas daring pa sa daring. Malala as in malala talaga. As in ibinigay ko na ang lahat kasi ang ganda ng istorya eh, kasi hindi mo inaasahan na magiging anoon ang kalalabasan ng istorya.”

Bukod sa sandamakmak na hubaran at sex scenes, maganda rin ang pagkakalahad ng kuwento tungkol sa isang lalaking social media influencer, si Yexel (Sean) na ikinulong at ginahasa ng isa niyang babaeng stalker, si Nina (Cloe).

Ito naman ang ikalawang pelikula ni Cloe na isinulat ng kanyang kaibigang si Quinn Carillo, ang sumulat din ng Tahan.

Mahusay din si Cloe bilang isang stalker ni Sean na ginawa ang lahat para mapasakanya ang binata. Wala siyang pakialam kung maglakad ng hubad, o gumawa ng kakaibang paraan para lamang makipag-sex sa kanya si Sean. Mahusay din ang confrontation scene nila ni Elizabeth Oropesa, isa sa lola niya na kung ilang beses siyang nakatikim ng sampal, tadyak, at kung iba’t ibang klase ng pananakit. 

Makabagbag damdamin ang eksena nina Cloe at Ruby Ruiz na inaalagaan niya dahil sa may diperensiya sa pag-iisip. Ramdam na ramdam ang hirap kay Cloe sa pag-aalaga sa matanda na kahit sinasaktan ay sige pa rin sa pag-aaruga sa mga ito.

Ito naman ang unang pelikula ni Direk Louie Ignacio sa Vivamax na humanga rin sa galing ng kanyang mga artista.

May paalala lang kami sa mga manonood nito na ihanda ang sarili sa dulo ng peliula ahil  pasabog ang ginawa nina Cloe at Sean dahil madugo at brutal ang eksena. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Genesis Gallios

Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad 

MA at PAni Rommel Placente NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the …

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Genesis Gallios Vin Abrenica

Vin tinitilian pa rin kahit tatay na; Genesis pasabog ang drag costumes                          

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SOSYAL NA SOSYAL  ang katatapos na birthday celebration ng entertainment guru …

Floyd Mayweather AQ Prime

Docu ni Mayweather ilalabas sa AQ Prime; wala lang lovelife

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INILUSAD ng AQ Prime streaming platform bilang kanilang bagong mukha ang American …