Tuesday , September 27 2022
Cloe Barreto Sean de Guzman

Cloe Barreto, wild na wild sa pelikulang The Influencer

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Cloe Barreto na pinaka-daring na pelikula niya ang The Influencer na tinatampukan din ni Sean de Guzman.

Isang obsessed fan ang role rito ni Cloe na ini-stalk ang isang social media influencer na pumapatol sa kanyang fans. Dito’y wild na wild at palaban sa sex scenes si Cloe.

“Sa palagay ko po pinaka-daring na pelikula ko ito, kasi marami kaming maiinit na love scenes dito ni Sean. At saka rito po sa movie, nagpakita ako ng puwet,” nakangiting wika ni Cloe.

Ang tinutukoy ng aktres ay nang naglakad siya sa gilid ng kama na hubo’t hubad, habang si Sean ay nakahiga.

Base nga sa napanood namin sa private screening nito sa Gateway last Thursday, matapang sa daring scenes dito sina Cloe at Sea. Kumabaga, hubad kung hubad sila at walang arte kung magpakita ng maseselang bahagi ng katawan ang dalawang bida sa The Influencer.

Actually, pati ang award-winning director nito na si direk Louie Ignacio ay nabanggit na may mga eksenang hubo’t hubad sina Cloe at Sean na may plaster sila. Pero, may mga eksena rin na naglalampungan sila na walang plaster, dahil makikita raw sa camera.

Kargado sa sex scenes ang pelikula at shocking ang kabuuan nito kaya hindi dapat palagpasin sa Vivamax.

Ayon sa magandang aktres, wala na silang ilangan ni Sean kahit magkasilipan pa sila ng kanilang private parts dito. Kaya bago ang love scenes nila ay wala sa kanilang malisya ni Sean at nagtatawanan lang daw sila.

Aniya, “Puro tawanan lang po kami, mayroon pa nga pong scene na hindi po namin alam, take na pala. Hindi namin naririnig, kasi, nasa loob kami. Sabi ni Direk, ‘Hoy! Take na!’ Hahaha! Tawa pa po kami nang tawa.”

Dahil para silang magkapatid at isa lang ang nagha-handle ng career nila, posible bang magka-inlove-an sila ni Sean?

Ani Cloe, “Ako po takot ako kay nanay (Len Carrillo, na manager nila ni Sean), kaya hindi talaga, hahaha!”

Dagdag ng aktres na pinupuri lagi ang acting, “Pero, priority po kasi namin talaga iyong aming work and sobrang close talaga kami ni Sean, kaya ganyan kami. Kaya parang wala nang ilangan kahit hubo’t hubad kami sa mga eksena.”

Ang The Influencer ay mapapanood na sa August 12 sa Vivamax. Ito ay mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Langit sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang bagong nakilala mula sa bar. Wala siyang ideya na impiyerno na ang kasunod nito. Pagkatapos niyang magpaiyak at magpa-Tahan, nagbabalik si Cloe para paiyakin naman sa sarap at sa sakit si Sean sa pelikulang ito.

Si Sean ay gumaganap dito bilang Yexel, isang sikat na social media influencer. Lagi siyang pumupunta sa bar para maka-pick-up ng babae. Isa na roon si Nina (Cloe). Iniyabang pa niya na nakatikim siya ng “best sex” kasama nito. Dahil na rin dito, binali ni Yexel ang kanyang rule na pang-one time lang ang mga babae sa kanya. Nang tawagan siya ulit ni Yexel, pinaniwala niya ang sarili na boyfriend na niya ito. Naging stalker siya ni Yexel at nagagalit tuwing nakikita niya itong may kasamang ibang babae.

Kahit anong pagtataboy ni Yexel kay Nina ay hindi ito natitinag. Ano ang kayang gawin ni Nina para tuluyang mapasakanya si Yexel?

Ito ang ikalawang pelikula ni Cloe na isinulat ng kanyang kaibigan na si Quinn Carrillo, ang writer ng Tahan. Tampok din sa pelikula sina Ms. Elizabeth Oropesa, Karl Aquino, Calvin Reyes, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Tiffany Grey, at Quinn.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

About Nonie Nicasio

Check Also

BingoPlus Day 2

Ogie, Maine, Morisette may bonggang pasabog sa Sabado!

WAGING-WAGI ang bonggang pasabog ng BingoPlus Day 2 na pangungunahan ni Ogie Diaz, kasama ang mga special guest …

Njel de Mesa The Miranda Bomb

Direk Njel de Mesa, pasabog ang short film na The Miranda Bomb               

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA panahon na nagkalat ang fake news, maraming mapupulot ang …

Wilbert Ross Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, Jela Cuenca GB Sampedro

Wilbert Ross, tinuhog ang limang Vivamax stars sa pelikulang 5 in 1

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio “FEELING ko, ako iyong pinakamagandang lalaki sa buong mundo ngayon, …

Jane de Leon Darna

Jane napikon sa bintang na ‘di bagay mag-Darna

NAPIPIKON na pala si Jane de Leon sa mga basher/detractors niya na nagsasabi na hindi siya bagay …

Gladys Reyes Moments Net25

Gladys haligi na ng Net 25, Moments 16 taon na

I-FLEXni Jun Nardo HALIGI na ring maituturing si Gladys Reyes sa Net25. Aba, ang talk show niyang Moments ay 16 …