Sunday , August 14 2022
missing rape abused

Maliban sa natagpuang patay
NAWAWALANG MGA BABAE KLINARO NG HEPE NG BULACAN POLICE

PINABULAANAN ni P/Col. Charlie Cabradilla, provincial director ng Bulacan PPO, nitong Miyerkoles, 6 Hulyo, ang kumalat sa social media na sinasabing pagdukot sa ilang babae sa lalawigan.

Nabalot ng takot ang ilang taga-Bulacan nitong mga nagdaang araw matapos kumalat ang mga balitang sunod-sunod na pagdukot sa ilang kabataang babae.

Sa imbestigasyong isinagawa ng Bulacan PPO, natuklasang tatlo sa apat na nawawala ay hindi dinukot.

Ani Cabradilla, “Yung dalawa riyan, simply, hindi nagpaalam. May umalis, nakipag-party, nakipag-swimming ‘yong dalawa. Then after a day or two, bumalik.”

Dagdag niya, “Isang minor naman reported na alleged missing noong nakaraang araw. Nalaman din ng ating imbestigador na hindi naman missing kundi naglayas after mapagalitan ng magulang. And mayroon din siyang ate na naunang naglayas, apparently sumama roon.”

Nasagip ng pulisya sa Guiguinto, Bulacan ang 14-anyos dalagitang naglayas na sinabing minsan ay sinasaktan daw siya ng mga magulang habang nakauwi sa kani-kanilang mga pamilya ang ilan sa mga naiulat na nawawala.

Nakiusap si Cabradilla sa social media user na maging responsable sa pagpapakalat ng impormasyon.

“We are also appealing to netizens, itong ating social media users, to be responsible in posting. Kasi doon na tayo sa gusto natin makatulong, but kung ‘di natin pinag-aaralan or kung ‘di natin binabasa [ang] ating ipino-post, makasisira,” pahayag ni Cabradilla.

Inilinaw ng pulisya na pagnanakaw ang pangunahing anggulong pinag-aaralan sa pagpaslang kay Princess Dianne Dayor, 24 anyos, na natagpuan sa boundary ng Guiguinto at Malolos nitong Martes.

Nag-alok na ang lokal na pamahalaan ng Malolos ng P.3 milyong pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa biktima. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …