Friday , August 12 2022
Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

DonBelle excited sa kanilang US tour concert show 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA ang loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa excited na mag-show out of the country kasama ang iba pang mga Star Magic talent para sa Beyond the Stars: Star Magic US Tour concert series. First time na makakasama ang DonBelle sa Star Magic tour kaya kakaiba ang saya nila.

Ayon kay Donny dapat sana’y may project sila ni Belle abroad hindi lamang ito natuloy dahil sa pandemic. 

We were supposed to have a project abroad actually during the pandemic. We were so excited for that. Pero hindi nag-push through, so medyo na-sad kami. So noong sinabi na mag-a-abroad kami for work, not just work kasi marami kaming time to go around as well, sobrang excited kami,” sambit ni Donny sa isinagawang virtual mediacon. 

First time namin mag-abroad together, to go through many first times there na ‘yung mga sightseeing, eating in different places, seeing a lot of experiences with our co-artists. It’s a dream come true and we’re just excited to go through it all together,” dagdag p ng binata.

Masaya naman si Belle dahil first time nilang magsama ni Donny abroad para sa work. First time rin kay Belle na na makapunta sa United States.

Of course, I’m really looking forward to this; honestly, this being my first time to go to the US as well, and what more na kasama ko siya, kasama ko silang lahat. I’m sure it’s something that I’m really looking forward to. It’s something that I’m really excited about,” anang dalagita.

Just to experience a whole new different country since feeling ko, I’ve been stuck here in the Philippines for almost four years. I haven’t been able to travel talaga since nagkaroon ng pandemic. But now, I’m given the opportunity to do that, and I’m really excited,” sambit pa ni Belle.

Bukod kina Donny at Belle kasama rin sa Beyond the Stars: Star Magic US Tour sina Zanjoe Marudo, Charlie Dizon, Andrea Brillantes, Edward Barber, Maymay Entrata, KD Estrada, Alexa Ilacad.

Part din ng Beyond The Stars US shows ang P-pop group na BGYO gayundin sina Eric Nicolas, Lian Kyla, Sab, Angela Ken, Janine Berdin, AC Bonifacio, Kyle Echarri, Gigi de Lana, Maris Racal, Carlo Aquino, at Kim Chiu.

Ang Beyond The Stars US concert tour ay  may three legs: ito ay magaganap sa New York sa August 6, sa San Francisco sa August 12, at sa Los Angeles sa August 14.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey …