Friday , June 2 2023
Herlene Budol Hipon Girl Joseph Marco

Netizens sabik na sa susunod na episodes ng Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask

UMANI ng papuri ang bagong online serye ng Puregold Channel na Ang Babae Sa Likod ng Face Mask matapos maipalabas ang isa na namang episode nito noong Sabado. Kasabay ng tagumpay na ito, patuloy ding dumarami ang mga manonood na kilig na kilig at hindi na makapaghintay para sa mga susunod na kabanata ng nasabing series.

Talaga namang tuloy-tuloy ang pagkasabik nang mapanood sa ikatlong episode na nakatanggap si Malta ng friend request mula sa kanyang crush na si Sieg! Hinikayat naman ni Madam Baby, ina ni Malta, na tanggapin ng dalaga ang friend request at dito na nagsimula ang online friendship ng dalawang bida.

Bagaman masaya si Malta na nakakausap na niya ang kanyang crush, hindi pa rin maiwasan ng dalaga ang ma-insecure at makulangan ng lakas ng loob na ipakita ang kanyang mukha kay Sieg. Sa kanilang mga video call, itinatago ni Malta ang buong itsura sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang filters. At kahit nasa bahay, palagi pa rin siyang nakasuot ng facemask.

Matapos mapanood ang pinakahuling episode, agad-agad na ibinahagi ng fans kung gaano sila kinikilig at nakare-relate sa kuwento ni Malta. 

Komento ni Olivia IbatuanThe story is funny but with a pinch, especially sa mga young ladies na ipinanganak na ‘di nabigyan ng magandang face. Just like Herlene in the story, masyadong mababa ang confidence sa sarili. Nakakarelate ang narami sa kuwento.

Super Ganda ng love Description: ❤️ story para sa akin Description: ❤️Description: 😉Description: 👏Bigla akong bumata, nakakakilig,” dagdag ni Celia Jane Bartolome. “Hooked na ako sa love story ni Malta at Sieg,” ayon naman kay Nenita Mahmood na talaga namang aliw na aliw sa bagong palabas.

Hindi rin napigilan ni Sean Reyes na kiligin sa kaguwapuhan ni Sieg, komento niya, Joseph Marco is my Description: ❤️Description: ❤️Description: ❤️Description: ❤️Description: ❤️,” na sinang-ayunan naman ni Simply Lovey “Ka gwapo ni Marco makakiliggggggg.”

Napahanga naman si Alma Ramos sa husay ng mga aktor at ayon sa kanya ang galing ni herlene natural ang acting ang pogi ni joseph may chemistry clang dalawa.”

Samantala, mababasa na rin ang kasabikan ng netizens para sa susunod na episodes at hinihiling nila na ilabas na ang mga ito! Ayon sa komento ni Jeseryl Marananbitin na nman ang kilig, sana araw araw nlngDescription: 😁.” Sabi naman ni Arjayl Martel “Waiting for 1 week is very difficult for us avid viewer Description: 🥺 but the episode really meets our expectations.”

Sa ikaapat na episode, magpapatuloy ang online na pag-uusap at pagkakaibigan nina Malta at Sieg. Sa gitna ng pagkakamabutihan, matatakot pa rin kaya si Malta o magkakaroon na siya ng lakas ng loob na ipakita ang buong itsura sa binata?

Patikim pa lamang ‘yan! Abangan ang susunod na mga episode ng Ang Babae sa Likod ng Face Mask,”tuwing Sabado, 7:00 p.m. sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold. Upang manatiling updated, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow na rin @puregold_ph sa Instagram at Twitter, siguraduhin din na naka-subscribe ka sa YouTube Channel ng Puregold!

About hataw tabloid

Check Also

Eat Bulaga Dabarkads

TVJ, Eat Bulaga nagbabu na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGPAALAM na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba …

Bruce Roeland Vic Sotto

Newbie star ‘di makapaniwalang makakasama si Vic Sotto

RATED Rni Rommel Gonzales IN shock pa rin ang guwapong Sparkle star na si Bruce Roeland dahil kasama siya …

Jake Cuenca

Jake Cuenca nagkakasakit na sa dami ng trabaho

RATED Rni Rommel Gonzales NANININDIGAN si Jake Cuenca na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Bida sina …

Romnick Sarmenta Ice Seguerra

Romnick fun experience ang mahalikan si Ice Seguerra

ni Allan Sancon MATAPOS manalo bilang Best Actor ni Romnick Sarmenta sa 1st Summer Metro Manila Film Festival sa …

Sunshine Cruz Unbreak My Heart

Sunshine napa-Naku po Lord, Ayoko nang tanungin sa lovelife 

KUNG dati’y open si Sunshine Cruz sa mga nagaganap sa kanyang buhay-pag-ibig ngayo’y alumpihit na siya sa …