Thursday , July 7 2022
arrest, posas, fingerprints

Wanted sa frustrated murder
TOP 8 MWP SA NAVOTAS ARESTADO

ISANG lalaking nasa talaan ng most wanted persons (MWP) ang ibiniyahe sa kulungan matapos malambat sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si John Paul Reyala, 21 anyos, vendor at residente sa Site 8, Mandaragat St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-Dagatan ng nasabing  lungsod.

Sa ulat, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang akusado sa kanilang lugar.

Dakong 3:35 pm, kasama ang mga tauhan ng Sub-Station 3, agad nagsagawa ang WSS ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanilang bahay.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Josie N. Rodil, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 293, Malabon City sa kasong Frustrated Murder (RPC Art. 248). (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bongbong Marcos BBM Mark Lapid Tanya Garcia

Mark T. Lapid itinalagang COO ng TIEZA

MULING itinalaga bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) si …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …