Friday , May 27 2022

BALIKBAYAN BILIB NA BILIBSA HUSAY NG KRYSTALL HERBAL OIL


Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Audrey Evangelista, 48 years old, naninirahan sa San Ildefonso, Bulacan.
Dati na po akong suki ng Krystall Herbal Oil. Ito po ang ultimong remedyo ko sa mga nararamdamang pangangalay at kirot-kirot sanhi ng arthritis.
Gusto ko lang pong i-share, last month ay dumating ang isang kaibigan kong balikbayan. Ang lagi niyang inire-request sa akin, gusto raw niya ng hilot sa Filipinas.
Kaya naman po kinontrata ko ang isang kaibigan kong mahusay at aral sa panghihilot para pagdating niya ay mahilot agad.
Aba ‘e hindi ko akalaing matuwa nang ganoon ang kaibigan ko. Sa unang session pa lang ay halos 70 porsiyento ng mga daing sa baradong mga ugat ang natanggal sa kanya.
Sabi niya bukod sa mahusay ang naghihilot, naramdaman din niya ang Krystall Herbal Oil na talagang tumatagos sa kanyang mga kalamnan. Hindi raw gaya ng ibang langis na parang kumakalat lang sa higaan at sa kanilang mga kumot.
Sa rami ng pinasyalang lugar ng kaibigan kong balikbayan, tila hindi siya napapagod. Ang tanging solusyon niya ay pahilot with Krystall Herbal Oil.
Thank you so much, Sis Fely, dahil napakahusay talaga ng inyong mga imbensiyon. God bless you always.
AUDREY EVANGELISTASan Ildefonso, Bulacan

About hataw tabloid

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …