Friday , May 27 2022
Alfred Vargas PM Vargas

Cong Alfred at konsi PM ‘di matitinag ng M-16; pagtakbo tuloy pa rin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI aatras sa laban ang magkapatid na sina Congressman Alfred Vargas at Konsehal PM Vargas kahit pinadalhan sila ng dalawang bala ng M-16 noong Lunes. 

Ito ang tiniyak kapwa ng tumatakbong konsehal ngayon na si Alfred at si PM naman ay congressman ng 5th district ng Quezon City.

Ani Konsi PM, nakatanggap sila ng package noong Lunes sa kanilang opisina sa Novaliches. Nang buksan nila, naglalaman iyon ng dalawang bala – isa para sa kanya at isa ay para sa kanyang kuya Alfred.

Kami po ay nababahala sa isang insidente na nagaganap sa amin. Kahapon, eksaktong 1:17 p.m., mayroong dumating sa district office, sa Novaliches District Center, isang pakete na naka-address sa akin. Ang laman ng pakete, dalawang bala ng M-16, isa para sa akin, isa para kay Kuya,” kuwento ni Konsi PM.

Maliwanag na ang intensyon ng nagpadala ay takutin kami at ang aming pamilya. Sa mahigit isang dekada nating paglilingkod dito sa distrito, ngayon lang po ako nakatanggap ng death threat. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong klaseng halalan – marumi, magulo, at mapanganib,” sabi pa ng nakababatang kapatid.

Pero tiniyak ng magkapatid na hindi sila matitinag sa nangyari at tuloy pa rin sila sa kanilang inumpisahan, ang tumulong.

Ibinunyag naman ni Cong Alfred na apat na beses na silang hinihikayat na umatras sa laban na daan-daang milyong piso ang naging alok sa kanilang magkapatid.

Hindi tayo magpapatinag kahit anong pananakot pa ang gawin nila sa atin,” giit ni Cong. Alfred.

Ngayon ay nahaharap kami sa ganitong klase ng death threat na itinaon pa sa dulo ng kampanya. Nananawagan kami sa aming pamilya, mga kaibigan at supporters na samahan ninyo kaming maging vigilant sa lahat ng uri ng kasamaan, pananakot at pandaraya na ginagawa ng ating mga kalaban ngayong eleksiyon,” anang aktor.

Sa kabilang banda nanawagan ang magkapatid sa mga taga-district 5.

Walang puwang sa District 5 ang mga nagsisiga-sigaang sindikato para makuha lang ang kanilang gusto. Habang papalapit na ang eleksyon, samahan n’yo po kaming protektahan ang ating boto. Tumayo po tayo sa likod ni PM. Let us all stand together to protect PM and District 5,” ani Cong. Alfred.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Bongbong Marcos Sara Duterte Proclamation

Marcos – Duterte tandem iprinoklama na NBoC sa Kamara

ni Gerry Baldo Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …