Saturday , June 14 2025
Arjo Atayde

Arjo Atayde, patok at swak bilang congressman ng 1st District ng QC

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI matatawaran ang husay ni Arjo Atayde bilang aktor. Pero bukod dito, marami pang magagandang katangian ang guwapitong award-winning actor.

Artista siya, pero hindi siya ang typical na showbiz personality sa pagtrato sa kapwa. Napatunayan namin nang ilang ulit na totoong tao si Arjo kaya maraming taga-showbiz ang saludo sa kanya.

Ordinaryo nang marinig ang mga papuri sa BF ni Maine Mendoza. Napakaganda ng puso, mabuting anak, kapatid at kaibigan, at higit sa lahat-napakaganda ng values. Thanks to his hands-on parents, Ms. Sylvia Sanchez at Sir Art Atayde na pinalaki siyang alam ang halaga ng good life, may respeto sa kapwa, at may takot sa Diyos. 

Kahit bata pa, si Arjo ay very aggressive at passionate sa lahat ng kanyang ginagawa. Maaaring sabihing baguhan pa lang siya sa larangan ng politika, pero mayroon siyang good vision para sa mga constituents niya sa District 1 ng Quezon City, na tumatakbo siya bilang congressman.

Gaya ng kanyang slogan na ‘Aksiyon Agad’, ngayon pa lang ay napatunayan na niya sa lahat that he walks his talk. Nang nalaman niyang kailangan ng nasabing distrito ng mga emergency vans, nag-donate agad siya ng higit sa 20 na van. Nang magkasunog sa area na ito, tumulong siyang mag-provide ng shelters sa mga apektadong pamilya. Alam ni Arjo kung ano ang dapat i-prioritize and there’s more help to come kapag nanalo siyang congressman.

Kabilang din si Arjo sa papasok na new breed ng public servant na kailangang-kailangan ngayon ng masa.

Sambit ni Arjo, “Hindi ako nangangako ng langit at lupa, sa abot ng aking makakaya ay gagawin ko ang lahat para makatulong. Mas marami akong opportunity na makatulong kapag nakaupo ako bilang congressman ng District 1 ng Quezon City.”

Dagdag pa niya, “Ayaw kong maging mahusay na politiko, gusto kong maging mabuting public servant.”

Pati mga kasama sa showbiz ni Arjo ay buong-buo ang suporta sa tisoy na aktor. Isa sa biggest supporter at inspirasyon ni Arjo ang GF na si Maine Mendoza.

Alam sa mundo ng showbiz na si Arjo ay isang brilliant and bright young man. Kabisado ng mga taga-showbiz ang kapasidad ni Arjo na tumulong at maglingkod nang mabuti, kung mabibigyan ng pagkakataon ng mga kadistrito niya sa QC.

Napakapropesyonal kausap at napakasarap katrabaho, plus siya ay very honest and hard-working talaga. Tiyak na maipagmamalaki ng District 1 ng Quezon City si Arjo Atayde kapag nanalo ito bilang congressman nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Aiko Melendez Fast Talk With Boy Abunda

Aiko sinagot pangarap mag-mayor ng Quezon City

MA at PAni Rommel Placente MULING nanalo ang award-winning actress na si Aiko Melendez nang tumakbo siya …

EDDYS

8th EDDYS mapapanood sa buong mundo, eere sa Jeepney TV, Kapamilya Channel, iWantTFC 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAPAPANOOD sa kauna-unahang pagkakataon sa buong mundo ang 8th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice, …

Faye Tangonan

Faye Tangonan, pararangalan bilang Topnotch Woman of Substance

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-THANKFUL si Faye Tangonan sa tatanggaping pagkilala sa The Asia-Pacific …

Miko Gallardo

BL actor Miko Gallardo biktima raw rape, pananakot, extortion

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKABABAHALA ang mga isiniwalat sa Youtube ng isang BL actor at content creator …

Amara Shia Shina Aquino Sanya Lopez Janella in Japan

Sanya hindi lang panlabas ang maganda

RATED Rni Rommel Gonzales ISA sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng pelikula at telebisyon, …