Saturday , May 28 2022
AJ Raval Vince Rillon Kaliwaan

AJ Raval naiyak, nag-breakdown sa pelikula ni Daniel Palacio 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAIIYAK man si AJ Raval nang kumustahin ko siya ukol sa nakapapagod niyang role sa Kaliwaan matapos ang private screening, masaya naman ito sa lagay ng kanyang puso.

Sa presscon ng Kaliwaan matapos ang private screening natanong namin ang aktres ukol sa role niya na pinagpasasaan siya ng kung ilang lalaki tulad nina Mark Anthony Fernandez, Juami Gutierrez, at Felix Roco. Si AJ si Monica, isang spa girl na mataas ang ambisyon sa buhay.  Karelasyon niya si Boogie (Vince Rillon), isang security guard. Ni-rapee siya ni  Raji (Juami), binaboy ni Mark, gayundin ni Felix. Kaya mangiyak-ngiyak si AJ matapos mapanood sa big screen dahil naawa siya kay Monica at aminadong sobrang napagod sa ginampanang role.

Aniya, “‘Yung reaksiyon ko kanina, ‘ganito pala kaganda ‘yung film. Kasali pala ako rito,’ sabi ko sa sarili ko. Kasi noong sinu-shoot namin ‘yun, parang nagbe-breakdown ako the whole day. Ang akala ko talaga, ‘yung film, drama lang. So, hindi ko in-expect na ganoon pala kaganda ‘yung story.”  

Sinabi pa ni AJ buong maghapon siyang umiiyak sa shooting at napakabigat daw talaga ng role niya sa pelikula. Talaga raw nadala siya ng mga emosyon ng kanyang karakter.

At habang pinanonood niya ang torture scene ni Vince, inamin niyang para siyang hihimatayin.

“Nagtsi-chill ako, nagtatakip ako ng mata. Pero I don’t wanna miss the scene kasi ang ganda, ang ganda ng story, ang galing na aktor ni Vince,” sambit pa sexy actress.

Totoo ang tinuran ni AJ na kung mahina-hina ang inyong sikmura hindi ninyo matitiis na makita ang sobrang pagpapahirap na ginawa kay Vince na pinutulan ng tenga, dila, at ari. Kaya winner ang pelikulang ito na pwedeng ihilera sa mga international movie na ganito ang tema. 

Kaya kung hilig ninyo ang maaksiyong pelikula, tamang-tama ang Kaliwaang idinirehe ni Daniel Palacio na produced ni Brillante Mendoza at mapapanood na simula sa April 29.

 Sa kabilang banda inamin ni AJ na masayang-masaya ang puso niya ngayon dahil may isang taong nagpapasaya nito, si Aljur Abrenica.

Anang dalaga ni Jeric Raval, magandang impluwensiya sa kanya si Aljur dahil ito ang nagga-guide sa kanya para gumanda ang mga desisyon niya sa buhay. “Parang gusto ko lang na magtrabaho at saka gusto ko pong mag-grow sa trabaho ko talaga. Gusto ko pong laging may improvement sa ginagawa ko. At saka maganda po kasi ngayon, may nagga-guide po sa akin. Like kunwari, kung ano po ‘yung tamang gawin, kung ano po ‘yung hindi. Kasi bata pa po ako, eh. May mga desisyon po ako minsan na hindi ko alam na mali,” anito.

Nang matanong kung anong level ang relasyon nila ni Aljur, hindi maipaliwanag ni AJ dahil hindi pa naman sila mag-BF-GF.

“Corny pong pakinggan pero ligaw po talaga,” aniya na noong July last year pa pala nag-umpisang manligaw sa kanya si Aljur. 

Nilinaw naman ni Aj ang tinuran noon ng kanyang amang si Jeric na magdyowa na sila.

“Wala naman po siyang nasabing magdyowa. Kasi po, ang magdyowa, parang ano na po ‘yun, eh, may commitment na po talaga,” ani AJ at sinabing wala silang commitment pa ng aktor pero nakikita kasi ng tatay niya kung paano siya alagaan ng aktor kaya siguro nasabi nitong magdyowa na sila. 

Sinita nga raw niya ang ama sa sinabing magdyowa na sila.

Pero siguro po, malapit na rin po kami sa point na maging official, if ever po, hindi naman namin itatago,” paniniyak ni AJ at sinabing ise-share niya ang balitang ito.

Sinabi pa ni AJ na inuuna nila ngayon ni Aljur ang mga priority nila at saka ang mga problema na dapat asikasuhin o unahin. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Baron Geisler Pusoy

Baron nahiya sa 7 daring scenes sa Pusoy; Kung kailan nag-40 at saka naghubad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PITONG sexy scenes ang sinalangan ni Baron Geisler sa Pusoy ng Vivamax na mapapanood na simula …

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …