Wednesday , May 25 2022
Martin Nievera Yohan Castro Ogie Alcasid

Newbie singer Yohan wish maka-collab sina Martin at Ogie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Yohan Castro na nagulat siya sa pagbabalik niya sa showbiz dahil maraming opportunities ang nagbukas sa kanya. 

Sa pakikipagtsikahan sa aming kababayang si Yohan sa isang masarap na pananghalian sa Palm Grill restaurant sa may Tomas Morato, naibahagi ni Yohan ang mga nakalinyang project na gagawin niya—album, movie, concert.

Sunod-sunod agad, nagulat din ako talaga na sa pagbabalik ko ang daming opportunities and endorsers, offers na ibinibigay sa akin,” panimula ni Yohan. “Kaya nagpapasalamt ako sa Diyos dahil siya ang unang-unang nagbigay niyan. Hinipo niya si doc (Dr. Arthur Cruzada) para tulungan ako at ma-boost pa ang confidence at talent ko,” dagdag pa niya. 

“This year magko-concert na rin siya,” susog naman ng manager niyang si Dr. Arthur Cruzada. “Pinag-aaralan na rin at right now naghahanap na rin kami ng tutulong para gumawa sa album niya, ‘yung lyrics, pati recording ng album pinaghahandaan na rin,” masayang pagbabahagi ni Dr. Cruzada.

Nasabi pa ni Yohan na dahil forte niya ang pagkanta may plano rin siyang makipag- collab sa ibang artists.

“And may pinaghahandaan din akong movie. Mapapasabak ako sa acting kasi gusto ko ring maging multi-tasking. ‘Yung kaya ko rin ang ibang larangan, hindi lang ang pagkanta. Hindi kasi magtatagal sa business kung focus sa isa lang na alam mo lang,” katwiran ni Yohan.

Sina Martin Nievera, Christian Bautista, Ronnie Liang, at Ogie Alcasid ang favorite o music influence ni Yohan kaya naman sila rin ang gustong maka-collag niya. “Kasi ballad nga ang forte ko kaya gusto ko rin silang maka-collab and para mai-promote rin natin ang OPM,” sambit ni Yohan.

Naibalita rin ni Yohan na may plano rin siyang gumawa ng BL series dahil may offer ang isa niyang kaibigan. “Maybe soon gagawa rin tayo ng BL series. Challenging ang BL series, sensitive siya pero ang artist kasi dapat kailangan maraming alam, versatile. It doesn’t mean na it will affect your gender or your sexual orientation (‘pag gumawa ng BL), but we need na sumunod sa norms and it doesn’t mean na magre-reflect iyon sa iyong sexualidad,” katwiran pa ni Yohan. 

Si Yohan, 25 ay mula po sa Batangas City. Una siyang nakilala sa Protege na hawak siya ni Ms. Claire Dela Fuente. “So, roon talaga ako nag-start sa showbiz. Nagkaroon din po ako ng experience na makatrabaho ang iba’t ibang artista at singer like sina Ogie Alcasid at Aiza Seguerra. After niyon nabuwag ‘yung aming group na binuo ni Ms.Claire. Ang plano kasi niya noon maging IL Divo kami ng Pilipinas. Pero noong mabuwag siya, hindi ko na naipagpatuloy ‘yung career ko. Nangibang bansa na lang ako, nagtrabaho ako bilang isang OFW sa Macau, China as a hotel staff sa Venetian Hotel. Tapos sa Wynn Hotel Macau. After that nagkaroon ng pandemic, so bumalik ako rito sa Pilipinas. And then ngayon naging endorser ng iba’t ibang produkto at services,” ani Yohan.

Masaya si Yohan sa pagbabalik-showbiz sa tulong ng kanyang manager na aniya, “nakita ko talaga ang sigasig niya para makapag-handle ng  talent although bago pa rin siya sa pag-handle. Pero naniniwala ako na mayroon siyang heart, genuine heart to help people na matulungan para mapa-unlad ako to have a better future.” 

Sinbi naman ni Doc Arthur na tinulungan niya si Yohan dahil, “noong nalaman ko ‘yung background niya, kasi I’m also an educator, were in the same filled and he’s qualified to be an ambassador and maganda kasi ang backgorund niya, ‘yun ang pinaka-the best and nakita ko ‘yung personality and behavior niya. Okey na okey.”

Sinabi pa ni Doc Arthur na, “this is my first time (mag-alaga ng talent) and I think maggo-grow ang kanyang career basta nasa tamang tao at pagmamahal niya sa trabaho. Si Yohan kasi nakikita ko na mahal niya ang ginagawa niya hindi lang sa gusto niyang kumita kundi ‘yung kung paanong mai-share ang talent niya para sa kapwa natin mga Filipino.”

Endorser at brand ambassador si Yohan ng Queen Eva Salon, Luminescence Face and Body Care, Le Premier Language International, General Trias Medical Hospital, Wash N’ Fresh Laundry Cafe, at Tierra Montephine Resort Timberlake.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Benz Sangalang

Benz nagtiyaga sa kamote para magka-abs

HARD TALKni Pilar Mateo NAGKABUKINGAN ba ng mga sikreto nila ang mga artistang mapapanood sa …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …

Lovi Poe Susan Roces

Lovi sa pagkawala ni Manang Inday — truly lost a gem

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces.  Mabigat ang puso niya sa …

Denise Esteban

Paghuhubad ni Denise may blessing ng magulang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALANG masama sa paghuhubad!’ Ito ang matapang na tinuran ng dating P-Pop …

Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero …