Saturday , May 21 2022
Klinton Start

Klinton Start, inuulan ng blessings

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG level na talaga ngayon ang talented na bagets na si Klinton Start.

Bukod sa may magandang role si Klinton sa TV series na The Broken Marriage Vow ng Kapamilya Network, petmalu ang iba pang blessings sa kanya, kabilang na ang pagkakaroon ng billboard sa Tate. Yes, sa Tate as in USA! Plus, nabalitaan namin na may ilang bagong endorsements na naman ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor.

AngThe Broken Marriage Vow ang itinuturing na biggest break ni Klinton sa kanyang young showbiz career. Nauna rito, nagkaroon siya ng maliit na part sa Sandugo na pinagbidahan nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Noong unang sumalang siya sa lock-in taping ng seryeng pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Jane Oineza, Joem Bascon, Bianca Manalo, Angeli Bayani, at marami pang iba, ano ang kanyang naramdaman?

Esplika ni Klinton, “Halo-halo po ang naramdaman ko, eh. Pero siyempre ang pinaka-ano roon, kinabahan po ako dahil ang tagal kong nahinto po, dahil sa pandemic. Kumbaga, parang walang practice sa pag-acting, ganyan…

“Pero sa suporta po ng aming mga direktor na sina direk Andoy Ranay at direk Connie Macatuno, kinaya naman po. Kaya sobrang thankful po ako sa kanilang dalawa.”

Aniya pa, “Yes po, ito ang masasabi kong biggest break ko, hindi po talaga expected ito na darating this year. Kumbaga, iyong dati ko kasing mga project ay mabiblis lang po. Pero ito ay matagal talaga iyong mga scenes ko rito. Plus, ABS CBN po ito, eh,” nakangiting saad pa ni Klinton.

Ano ang reaction niya na may billboard sila sa New York?

Masayang sagot ni Klinton, “Yes po, panibagong blessing po ito na talagang nakaka-overwhelm, ang magkaroon kami ng billboard sa New York.

“Iyon pong billboard, parang ini-inspire namin ang mga nangangarap na maging model, nangangarap na maging artista… iyon po ang parang ipino-promote namin at message ng aming billboard.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Moira dela Torre Kathniel

Kumpas ni Moira ginawa para sa KathNiel at sa 2G2BT 

 OPISYAL nang inilabas ni Moira dela Torre ang comeback single niyang Kumpas na nagsisilbing theme song ng bagong ABS-CBN …

KD Estrada Flex

KD Estrada bagong image sa Flex 

TIYAK na marami ang nagulat sa bagong KD Estrada na nakita sa digital video magazine ng Star Magic, …

Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys 2

Gameboys 2 maraming surprises! — Direk Perci Intalan

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINIYAK ni Direk Perci Intalan na maraming sorpresang dapat abangan ang fans sa The …

Lunch Out Loud LoL

Marites segment ng LOL nakaaaliw

MA at PAni Rommel Placente NAG-ENJOY kami ng kaibigan at kasama sa panulat na si Melba …

Sharon Cuneta Regine Velasquez

Friendship nina Sharon at Regine bumilang na ng maraming taon

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang …