Thursday , May 26 2022
Julia Barretto Horror

Julia takot gumawa ng horror film

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Julia Barretto na hindi siya komportableng gumawa ng horror film kaya hindi siya gumagawa nito.

Sa virtual media conference ng Bahay Na Pula na idinirehe ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan din nina Marco Gumabao at Xian Lim na mapapanood na sa February 25, sinabi ni Julia kay direk Brillante nang i-pitch sa kanya ang project, “what if takot ako baka may sumunod sa akin after or baka may magparamdam sa set?

Takot talagang gumawa ng horror si Julia.

“Kasi I remember when my tita did a thriller/suspense I think it was caught on camera na may nangyari yata sa kanya. So, eversince kaya natakot na ako sa horror noon. 

“But I really wanted to do the project, that’s why I went on. And ang promise naman ni Direk while were shooting it, hindi naman siya ganoon ka-scary when you’re watching the film and true enough I always had my rosary with me. ‘Yun na lang ang pinanghawakan ko,” sambit ni Julia.

Sinabi pa ni Julia na, “It’s going out of my comfort zone. And this is my first horror film. And second what the film asked of me. At the end of the day it’s about trusting your director and trusting yourself. And I think the reason why I trusted myself in the process of creating this film is because everybody in the set trusted me so I think isa ‘yung malaking factor kung bakit nagawa namin ‘yung mga kailangan naming gawin. At the end of the day it’s all about growing and learning and trusting.”

Alamin ang mga misteryong bumabalot sa loob ng Bahay Na Pula sa February 25, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at USA.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …