Thursday , June 4 2026
Melai Cantiveros Kids

Melai idedemanda netizen na nagsabing pangit ang anak

MATABIL
ni John Fontanilla

GALIT na galit si Melai Cantiveros sa isang netizen na nanlait sa kanyang mga anak at nagsabing mga pangit ito.

Nag ugat ang galit ni Melai sa isang post niya sa Instagram nang nagkomento ang isang netizen na may personal account na @stan.francine.chin ng “Epal mo din ano. Wag mo iship si Kyle (Echerri) kay Chie (Filomeno) anak mo nga ang pangit e” 

Kaya naman dali-dali itong sinagot ni Melai ng, “Humanda  ka @stan.francine.chin papahanap ko sa nbi ang account mu. 

Mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mu sa anak ko.

“Ako sabihan mu ok lang wag ang anak ko, kahit itlog ka kahit magdeactivate ka, alam ko fans ka ni francine @francinesdiaz mahahanap kita.”

Dalawa ang anak ni Melai at asawang si Jason Francisco na sina Amelia Lucille, 7 at Stela Rosalind, 4.

Dahil sa sobrang galit ni Melai ay idedemanda nito ang nasabing netizen na nanglalit ng kanyang mga anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …