Friday , May 27 2022
Dennis Trillo Jennylyn Mercado

Dennis at Jen nag-alsa balutan sa kanilang bahay

RATED R
ni Rommel Gonzales

IBINAHAGI nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang pakikipaglaban ng kanilang pamilya sa COVID-19.

Sa latest vlog ni Jennylyn, ikinuwento ng aktres na dalawang linggo na silang nananatili ni Dennis sa isang condo unit dahil nagpositibo sa COVID-19 ang mga kasama nila sa bahay.

Malaki naman ang pasasalamat ng mag-asawa na ligtas sila mula sa virus, maging ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz.

Ito na ‘yung aming second week dito kasi halos lahat ng tao sa bahay namin ay nag-positive,” pagbabahagi ni Jennylyn.

Dagdag niya, “After new year, mga January 4, may isang tao na na-expose tapos ‘yun sunod-sunod na ‘yung buong bahay, except kaming dalawa ni Dennis at si Jazz. Kaya hindi namin kasama si Jazz ngayon kasi exposed naman siya roon sa yaya niya na positive rin. Sinigurado muna namin, siyempre baka maging carrier si Jazz at mahawa rin ako.”

Anim na buwan na ngayong buntis si Jennylyn sa baby girl nila ni Dennis kaya naman doble-ingat ang ginagawa nilang mag-asawa.

Six months ko na. Iniwan namin si Jazz sa bahay pero naka-isolate s’ya. Actually lahat ng tao [sa bahay] naka-isolate,” sabi ni Jennylyn.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Jennylyn sa asawa sa pag-aalagang ginawa nito simula nang lumipat sila sa condo.

Si Dennis ang halos lahat gumagawa ng mga bagay dito sa condo. Ayaw niya naman akong pakilusin. Si Dennis ang nagluluto, lahat-lahat, naghuhugas, naglilinis,” kuwento ng aktres.

Masuwerte ako na kasama ko siya rito kasi naaalalayan ako nang husto, naaalagaan.”

Para makaiwas na mahawaan ng virus, sinisigurado nina Dennis at Jennylyn na na-disinfect lahat ng deliveries nila bago makapasok sa loob ng unit.

Hindi ko maintindihan minsan kasi si Jen sobrang praning. Kaya siguro hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkaka-COVID dahil sa extra awareness na ‘yun,” sabi ni Dennis.

About Rommel Gonzales

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …