Monday , May 16 2022
Jackie Lou Blanco Ricky Davao

Jackie Lou kinabahan nang sampalin ni Ricky

RATED R
ni Rommel Gonzales

MIXED emotions si Jackie Lou Blanco nang kunan ang matinding eksena nila nina Dingdong Dantes at Ricky Davao sa GMA primetime series na I Can See You: AlterNate.

Ipinalabas ito noong January 20 at nagpapakita ng komprontasyon sa mga karakter nina Dingdong at Ricky.

Dalawa ang role na ginagampanan ni Dingdong—ang magkakambal na sina Nate at Michael. 

Samantalang lumalabas naman si Ricky bilang Lyndon, ang istriktong adoptive father ni Nate at asawa ni Cita, na binibigyang-buhay ni Jackie Lou.

Sa nasabing eksena, nabunyag na may kakambal ang inampon nina Cita at Lyndon at ito ay si Michael na kamukhang-kamukha ni Nate. Nagkagulo sa farm at nagngangalit si Lyndon dahil nakatungtong sa kanilang lugar si Michael kaya naging tagapamagitan si Cita.

Ayon kay Jackie Lou, na-excite siya sa eksena. Gayunman, kinabahan siya dahil kinailangan siyang sampalin ng dating asawa na si Ricky bilang parte ng eksena.

When my kids found out na may sampalan, nag-request ako agad ng video,” bahag ni aktres sa isang Instagram post kalakip ng behind-the-scenes video nito.

Pahiwatig ni Jackie Lou, mas marami pang intense na eksena ang mapapanood sa I Can See You: AlterNate na reunion project nila ng kanyang ex-husband na ama ng kanyang tatlong anak.

Bukod kay Dingdong, kasama rin nina Jackie Lou at Ricky sina Beauty Gonzalez at Joyce Ching bilang main cast ng serye.

About Rommel Gonzales

Check Also

Angeli Khang Vince Rillon Pusoy

Pusoy ng Vivamax, parang Pinoy version ng Fifty Shades of Grey — Angeli Khang

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABIS ang pasasalamat ni Angeli Khang sa Viva sa mga …

Cassy Legaspi

Cassy may madamdaming mensahe sa kanyang ‘older me’

MAY madamdaming mensahe  si Cassy Legaspi sa kanyang co-star sa top-rating GMA             Telebabad series na First Lady na si Maxine Medina sa ika-32 kaarawan …

Angelo Carreon Mamay

Angelo Carreon Mamay, wish sumabak sa drama at horror projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Angelo Carreon Mamay na malaki ang naging epekto …

Ayana Misola Janelle Tee

Ayanna at Janelle, ibang klaseng sarap ang ipatitikim sa Putahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAKAIBANG pampagana ang hatid ni Ayanna Misola sa pelikulang Putahe. …

Barbie Forteza Jak Roberto

Takot ni Barbie sa heights nawala sa hawak ni Jak

I-FLEXni Jun Nardo TINALO ng Kapuso princess na si Barbie Forteza ang takot sa heights nang pumunta …