John Gabriel

John Gabriel naka-2 agad pelikula

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si John Gabriel na nasa pangangalaga ng BMW8 ni Daddy Wowie Roxas. Magdadalawang-taon pa lang kasi siya sa showbiz pero nakagawa na siya ng dalawang kanta na, O Pilipina at Bakit Ba? 

Bukod pa rito, dalawa na rin agad ang nagawa niyang pelikula, ‘yung Caught In The Act at ang isa sa entry sa Metro Manilla Film Festival  na Huling Araw sa Tag-ulan

Masu­werte si John na  naging manager niya si Daddy Wowie dahil magaling itong makisama sa lahat at may malakas na koneksiyon. Kaya dahil dito, siguradong malayo ang mararating niya sa showbiz.