Thursday , August 18 2022
Sanya Lopez

Sanya kinakarir ang paggawa ng content sa Tiktok

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUKOD sa husay sa pag-arte, kina-career din ng  First Lady actress na si Sanya Lopez ang paggawa ng content sa fastest growing social media app na TikTok.

Sa latest trend na Toxic challenge, hindi nagpahuli si Sanya sa pag-upload ng kanyang entry. Suot ang kanyang workout outfit at high heels, hot na hot na humataw ang aktres.

At dahil sa ipinakitang husay sa pagkembot at pagpostura habang sumasayaw, mas napahanga pa ni Sanya ang kanyang fans at followers. Ilang netizens ang nagpadala ng kanilang positive comments sa excellent dancing skills ng Kapuso actress.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 11.8 million followers si Sanya sa kanyang TikTok account.

Nito lamang nakaraang Disyembre, isang dance video rin ang in-upload ni Sanya sa kanyang social media accounts na mapapanood na kasama niyang sumasayaw ang bagong Kapuso actress na si Rabiya Mateo.

Mapapanood sina Sanya at Rabiya sa Book 2 ng Agimat Ng Agila ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. at malapit na ring umere ang Book 2 ng First Yaya, ang First Lady nina Sanya at Gabby Concepcion.

About Rommel Gonzales

Check Also

Ima Castro Sephy Francisco JC Juco Funpasaya sa Fiesta, Parine Na 2022

Ima, Sephy, at JC magpapasaya sa Funpasaya sa Fiesta, Parine Na! 2022

MATABILni John Fontanilla MAGBIBIGAY-SAYA sina Ima Castro at Sephy Francisco sa Funpasaya sa Fiesta, Parine Na! 2022 na gaganapin sa Barangay …

Jaya House Burn

Jaya huming ng tulong matapos masunog ang bahay sa US

MATABILni John Fontanilla MALUNGKOT si Jaya sa pagkasunog ng kanilang tahanan sa Amerika. Anito, “The last time we …

Coco Martin FPJ’s ANG PROBINSYANO

FPJ’S Ang Probinsyano finale winasak ang Youtube record, trending pa 

TINUTUKAN at pinag-usapan ng sambayanang Filipino ang pambansang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyanona nakapagtala ng  all-time high record na …

AQ Prime AMBS2

AQ Prime gustong makipag-collab sa AMBS 2

MATABILni John Fontanilla NAGING matagumpay ang launching ng AQ Prime streamingapp na maghahatid ng magaganda, de kalidad, …

Sean de Guzman The Influencer

Sean de Guzman may obsessed fan 

MATABILni John Fontanilla NAKARE-RELATE sa kanyang pinagbibidahang pelikula si Sean de Guzman, ang The Influencer kabituin si Cloe Barreto hatid …