Friday , June 26 2026
Angeline Quinto 10Q

Angeline ipinakilala na ang ama ng ipinagbubuntis; ultrasound ipinakita

MASAYANG ibinahagi ni Angeline Quinto ang una at ikalawang ultrasound na ginawa niya para sa kanyang anak na ipinagbubuntis. Ito ay nangyari noong Sabado ng gabi sa kanyang 10Q:Ten Years of Angeline Quinto concert series na ginawa sa Metropolitan Theater.

Bago ipakita ang ultrasound muling sinabi ni Angeline ang tinuran niya sa interbyu kay Kuya Boy Abunda—ang pag-aalinlangan niya at kung paano sasabihin ang kanyang pagbubuntis. Ani Angeline in between her songs, “Kung wala ang Mama Bob, dahil sa kanya ko lang natutuhan lahat. Paano ko sasabihin sa mga katrabaho ko, sa inyo (pagbubuntis). Kung tatanggapin ba ako ng mga tao. kung sino ‘yung unang taong malapit sa akin ang unang makaaalam. Sobrang nalilito po ako noong panahong iyon.” 

Pagkaraan nito’y ipinakita na niya ang unang ultrasound na ginawa sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan. “Ayan ang unang ultrasoun na ginawa sa akin. Noong nakita ko ‘yan sabi ko ‘totoo nga mayroon siyang laman.’ Ipinakita da akin ng doktor at parang peanut (hitsura) ang liit-liit. 

“Pero iba ‘yung (pakiramdam), napakasaya ng puso ko mga kaibigan. Alam ko na noong nawala si Mama Bob may bagong buhay na pumalit na nasa loob ng tiyan ko. Lahat ng mga tanong ko sa sarili ko nawala noong nakita ko ‘yung ultrasound na yan. Sabi ko hanggang lumaki ang batang ito, buong buhay ibibigay ko. 

“Unti-unti pong lumalaki ang tiyan ko natuwa ako dahil nasabi ko sa sarili ko na makakapag-alaga ako ng isang buhay sa loob  (tiyan) at habang lumalaki iyan araw-araw, linggo linggo, buwan-buwan mas lalo akong nae-excite.” 

Pag-amin pa ni Angeline, “Noong  makita ko siya sa unang beses, na nakita ko ang magiging anak ko, walang kasing saya ang nararamdaman ko.”

At lalo pang sumaya ang singer/aktres nang sa ikalawang ultrasound ay buo na niyang nakikita ang anak na nasa kanyang tiyan. ”Ito ang ikalawang ultrasound na ginawa sa akin, kompleto na, ang galing. May ulo na, may paa, may kamay.  hHay sabi ko ‘Diyos ko, napakabuti ninyo sa akin.  Lagi kong idinadasal sa Diyos, ‘para saan ako nabubuhay ngayon? Para kanino ako gigising sa umaga?  May mga trabaho po ako hindi ako masaya, paano ako mabubuhay ulit eh wala na si Mama Bob.

“Kaya gusto kong magpasalamat sa inyong lahat dahil sa pagtanggap ninyo sa akin sa panibagong yugto ng buhay ko.” 

Sinabi pa ni Angge na, “Wala po akong ibang maipapangako sa inyo sa pagkakataon na maging nanay ako, mas lalo kong pagbubutihin ang lahat para sa inyong lahat at siyempre para sa aming dalawa ng anak ko. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat.”

Ang 10Q:Ten Years of Angeline  Quintoconcert series  ay sinimulan noong October 29, 2021 at magtatapos sa  January 29, 2022.Ang concert series ay bilang selebrasyon ng ika-10 taon ni Angeline sa showbiz. 

At noong gabi ng Kapaskuhan, iyon ang ika-limang serye ng concert ni Angeline na ang special guests niya ay sina Boy Abunda, Coco Martin, at Martin Nievera.

Sa kabilang banda, ibinuking ni Kuya Boy na gwapo ang ama ng magiging anak ni Angge. Pero hindi niya napilit ang singer/aktres na ipakilala ng napakasuwerteng lalaki.

Ani Angge, “Tito Boy kilala naman ninyo ako, lahat naman ng espesyal na nangyayari sa buhay ko kahit ano pa ‘yan ay ibinabahagi ko sa inyong lahat. Pero sa pagkakataong ito, talagang nag-usap kami napaka-private na tao kasi niyon. Gusto niya kung makikilala man siya hindi muna ngayon.”

Pumayag si Kuya Boy kaya ang ipinilit na lang niya ay ang palayaw  o tawagan nila?

Sagot ni Angeline, ”Tawagan namin? Ang tawagan namin, Boy,  joke lang ha haha. A, nagsimula siyang tawagin ako na Angge lang eh, at ang tawag ko sa kanya ngayon Babe.”

At ipinalarawan ni Kuya Boy si Babe. “Si Babe ngayon siya ‘yung nakikita ko na magiging katuwang ko sa buhay ko, panghabambuhay.” 

Sinabi naman ni Kuya  na guwapo ang ama ng magiging anak ni Angge at maganda ang aura ni Angeline ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Wellness mahalaga para kay Teejay Marquez, enjoy sa BlueWater Day Spa

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA isang industriya na ang mahahabang araw ng shooting at …

NUSTAR Online Binibini

NUSTAR Online inilunsad public online voting sa NUSTAR Online Binibini

BILANG bahagi ng patuloy na ugnayan sa Binibining Pilipinas, mas inilapit pa ng NUSTAR Online ang mga tagahanga …

Coco Martin Julia Montes Jhong Hilario Sigabo

Coco Martin at Julia Montes nagpasiklab, Jhong Hilario kaabang-abang pagkokontrabida 

ni Allan Sancon MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng mga manonood ang pinakabagong primetime offering ng ABS-CBN, …

Aerwyna Pearl

Newbie singer ng EBQ Music Production malakas ang dating

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang pinakabatang recording artist ng EBQ Music Production na si Aerwyna Pearl na mahusay umawit …

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …