Friday , June 26 2026
Boy Abunda Angeline Quinto

Boy Abunda emosyonal sa pagbabalik-MET

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI napigilan ni Kuya Boy Abunda na hindi maging emosyonal sa pagbabalik niya sa Metropolitan Theater (MET) nang mag-guest sa 10Q:Ten Years of Angeline Quinto concert series noong December 25.

Maiba lang napagkuwentuhan lamang ito, alam mo Angge rito ako nag-umpisa. Kilala ko ang teatrong ito, rito ho ako lumaki, sa backstage ako nagtrabaho. Nag-aayos ako ng props. Itong entabladong ito ay kilala ko.

“I used to be assistant stage manager sa lahat ng palabas including the Philharmonic concerts of the Manila Symphony Orchestra. Lahat ng mga opera tulad ng ‘Turandot,’ lahat ng mga musical tulad ng ‘My Fair Lady,’ lahat ng mga original Filipino musical, ang ‘Maalaala Mo Kaya,’ ‘Kapinangan’ ni Kuh Ledesma, lahat sa entabladong ito ginagawa.”

Ikinuwento rin ni Kuya Boy  na nag-audition siya bilang aktor sa MET. “Naalala ko sa entabladong ito I auditioned as an actor dahil gutom ako literally. Gutom na gutom ako, pinakanta, pinasayaw, pinaarte. Hindi naman ako marunong. ‘Yung sayaw steps lang ‘yan, ‘yung pinaarte, okey ako, pero ‘yung kanta, buong gabi inaral ko ‘yung ‘Dahil Sa ‘Yo.

“’Ito na ang kuwento, so I sang the song. When my third line na sabi sa akin niyong director, ‘thank you.’ Alam mo sabi ko, sandali lang po  pwede n’yong ipatapos ang isang kanta?  Kasi hindi ako natulong ng buong gabi at  itinuloy ko ang ‘Dahil sa ‘Yo.”

Pag-amin pa ni Kuya Boy na medyo naiiyak siya sa pagbabalik sa MET. ”I have so many memories here. I’m very emotional actually, naiiyak ako dahil dito ako nagsimula, dito ako nagsimula  I came from nowhere. I was so scared. Itong manager mo (Kate) akala ang dali-dali pero this was very difficult to come back. Ang hirap hanggang ngayon.”

Mahirap man ang pagbabalik-MET inamin ni Kuya Boy na masarap balikan ang MET. ”Binabalikan ngg namin backstage iyong kantang ‘Sunset Boulevard,’ kilala ko ang mga nasa ilaw, lahat-lahat, dito po ako tinuruang mangarap at lumipad,” sambit pa ng magaling na host.

“First time ko na bumalik dito sa teatro, salamat, salamat for making this happen and salamat Angge, salamat for bringing me home,” giit pa ni Kuya Boy.

Si Angeline ang unang singer na nakapag-concert sa MET simula nang buksan ang teatro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Wellness mahalaga para kay Teejay Marquez, enjoy sa BlueWater Day Spa

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA isang industriya na ang mahahabang araw ng shooting at …

NUSTAR Online Binibini

NUSTAR Online inilunsad public online voting sa NUSTAR Online Binibini

BILANG bahagi ng patuloy na ugnayan sa Binibining Pilipinas, mas inilapit pa ng NUSTAR Online ang mga tagahanga …

Coco Martin Julia Montes Jhong Hilario Sigabo

Coco Martin at Julia Montes nagpasiklab, Jhong Hilario kaabang-abang pagkokontrabida 

ni Allan Sancon MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng mga manonood ang pinakabagong primetime offering ng ABS-CBN, …

Aerwyna Pearl

Newbie singer ng EBQ Music Production malakas ang dating

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang pinakabatang recording artist ng EBQ Music Production na si Aerwyna Pearl na mahusay umawit …

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …