Saturday , May 4 2024
Angeline Quinto Boy Abunda

Angeline umamin kay Kuya Boy: Magiging nanay na po ako

ni MARICRIS V. NICASIO

BUNTIS po ako, magiging nanay na ako,” ito ang inamin ni Angeline Quinto kay Boy Abunda sa The Purple Chair Interview Presents Angeline Quinto sa The Boy Abunda Talk Channel kanina.

Sinabi ni Angeline na sa Abril 2022 siya manganganak kaya limang buwan na ang kanyang dinadala.

Sobrang excited po ako at next year ako manganganak, sa April,” sambit ng singer kay Kuya Boy.

Natanong ni Kuya Boy kung sino ang ama ng dinadala ni Angeline at kung paano niya nakilala.

“Nakilala ko siya sa boyfriend ng kaibigan ko, non-showbiz. Noong nagkita kami ng isang beses nagkaroon na ng communication after that. Nagtuloy-tuloy, bale mag-iisang taon higit na kami.”

Ayaw naman sabihin ni ni Angeline ang pagkikilanlan ng boyfriend at sinabi na lang na hindi iyon taga-showbiz.

Nang matanong ni Kuya Boy na ang BF na ang the one, sagot ni Angge, “Ganoon pala ‘yun, alam mo na agad. Hindi naman siya love at first sight. Matagal na rin akong hindi nagkaroon ng relationship eh. Bale nagkakilala kami bago pa ang pandemic, bago nawala si Mama Bob at na-meet pa niya si Mama Bob.

“Ako para sa akin lang naman bago ako pumasok sa relasyon may makikita kang komplikado pero tinanggap ko kahit may komplikado sa kanya kasi mahal ko siya.”

Masugid na nanligaw, tanong ni Kuya Boy

“Ang tagal ko na-miss ‘yung kiligin ako. Hindi lang ‘yun dahil sa nanonood lang ako ng pelikula.

“Sinabi rin niya ang past niya, na may anak siya sa ibang babae pero hindi siya kasal. May anak siya sa past relationship niya.

“Siguro kaya rin siya nagustuhan ko kasi hindi siya nagkunwari na binata siya. Umamin siya na may anak which is a good sign na nagsasabi sya ng totoo at tinrato niya ako ng may ng respeto. Hindi rin naman ako nagtanong kahit alam ko na, siya mismo ang nagsabi,” tuloy-tuloy na kuwento ni Angeline na ang pagiging honest ng kanyang BF ang lalong nagpamahal sa kanya.

Bukod sa pagiging honest, sinabi pa ni Angeline na, “Ang dami kasing bagay sa buhay na naiintindihan niya ako kahit hindi kami pareho ng trabaho.  

“Tapos madalas niyang sinasabi simula ng nawala ang Mama Bob, ‘wag kang mag-alala andito naman ako.’ Alam niya kasi kung sino si Mama Bob sa buhay ko.  Sinabi pa niya na kung hindi man niya mapantayan si Mama Bob gagawin niya ang lahat at andyan lang siya lagi para sa akin.”

Inamin din ni Angeline na ngayon lang uli siya naging masaya. Mula kasi nang mawala si Mama Boy, hindi na rin niya alam kung paano ang maging masaya. At hindi na rin niya alam kung para saan pa siya o purpose niya sa buhay.  

“Everyday sa nangyayari sa buhay ko hindi ko alam kung para saan ako. Lagi ko ipinagdarasal kung para saan ako hindi kasi ako masaya sa mga ginagawa ko at sa trabaho ko,” pagtatapat ni Angge.

Sa kabilang banda, humihingi ng paumanhin si Angeline sa publiko na hindi agad niya nasabi ang ukol sa pagbubuntis.

“Alam naman ng tao na lahat isine-share ko sa social media account ko. Lahat ng nangyayari sa buhay ko ko ipinaalaman ko. Ngayon lang hindi ko ginawa kasi para sa akin iba rin pala ‘yung mayroon kang pangyayari sa buhay mo na gusto mo pribado lang. Iba rin pala ‘yun.

“Ako gusto ko lahat ise-share. Ngayon binigyan ko muna ng oras na para lang muna sa amin at darating din ang oras na ise- share ko rin.

“Ang sarap din pala ng ganoon na I-pribado dahil gusto ko rin maprotektahan yung sa aming dalawa,” sambit pa ng singer.

Alam ng boyfriend ni Angeline na sikat siya. May mga pagkakataon lamang na nagugulat ang lalaki lalo kung nasa labas sila at may nagpapa-picture sa kanya.

Komportable naman po siya. Minsan lang siyempre dahil sa dami ng nagpapa-picture hindi na nakakain. Sabi niya, kung pwede lang pigilan ang mga tao gagawin niya pero parte ‘yun ng trabaho ko.”

At nang tanungin ni Kuya Boy kung gwapo ang boyfriend niya. Parang kinilig lalo si Angeline at sinabing, “gugustuhin ko ba Kuya Boy kung hindi ha ha ha?”

Ikinuwento rin ni Angeline na siya ang mas seloso pero, “Alam ko na po ilugar ngayon ang pagkaselosa ko. Si BF ko baby face siya at bata siya sa akin ng tatlong taon.”

Ukol naman sa pangalan ng anak at planong pagpapakasal, sinabi ni Angeline na, “Excited kami pareho (sa ipapangalan). Ang alam niya gusto kong maging name, pangalan na ang meaning about music. At ‘yung messenger of God, ako kasi Angeline messenger of God.”

Natanong din si Angeline kung ano ang ginawa niya nang malamang buntis siya.

Pag-amin ni Angeline, “Natakot ako noong una, kasi sa totoo lang hindi ko pa alam tingnan ang positive at negative sa pregnancy test dahil nasanay ako sa swab.

“Ako ang nag-test sa CR, ang tagal ko pa nga na parang hindi ako makalabas sa CR. Iniisip ko sinong unang sasabihan ko sa bahay? Pero wala akong sinabihan. Naisip ko rin ‘yung trabaho ko, paano ko masasabi sa mga katrabaho ko? ‘Yun ang una kong naisip bukod doon ‘yung takot na pagiging nanay o ‘yung sa bata.”

September nalaman ni Angeline na buntis siya at ang unang sinabihan niya ay ang manager na si Kate Valenzuela“’Yung manager ko, si Mama Kate, expect ko magagalit siya pero hindi naman. Siya nagsabi sa akin na hindi ako dapat matakot kasi napakalaking blessings ng baby ko.

“Hindi ko agad sinabi sa BF ko, after two days ko pa nasabi dahil hindi ko alam ang magiging reaction niya,” anang singer.

At nang itanong ni Kuya Boy ang naging reaction ng BF niya,  

“Noong upinakita ko ‘yung pregnancy test, sabi niya positive ka? Tinanong niya agad ako kung ano ang sabi ni Ma’am Kate? Una niyang inisipat worry niya ‘yung work ko. Second ‘yung kung paano ko sasabihin sa ibang mga tao na andyan, kamag- anak ko.

Pero siyam sobrang excited na maipaalam sa family niya pero ang mommy niya nasa ibang bansa, kaya late na rin nalaman,” kuwento pa ni Angeline na na-meet na rin pala niya nang mag-guest siya sa show ni Vice Ganda.

Tinanong ni Kuya Boy kung natanong ba ng mommy ng boyfriend niya ang ukol sa kasal.

Ani Angeline, “Tinanong ako ng mommy niya kung kailan kami magpapakasal? Sino ba namang babae ang ayaw magpakasal? Pangarap ko ‘yun, pangarap ni Mama Bob. Ang sa akin nga sana naabutan niya.  Pero ‘yung kasal ibang usapan na ‘yon mahabang paghahanda para sa kasal.”

At inamin din ni Angeline na hindi nila priority sa ngayon ng kanyang non-showbiz boyfriend ang magpakasal. “’Yung baby muna namin, siyempre sa future kung ikakasal kami magpapasalamat ako.”

Sinabi rin ni Angeline na walang problema sa kanya sakaling gustong makilala ng mga anak ng kanyang boyfriend ang magiging anak nila at wala ring problema kung laging dinadalaw ng BF niya ang mga anak nito.

“Noong una pa naman alam kong mangyayari ‘yun, ready naman ako sakaling mangyari ‘yun, kahit anong mangyari, kapatid nila ito. Hindi ko ipagdadamot na makilala rin nila ito.”

Nang matanong kung gaano siya ka-excited, Excited na excited ako sa totoo lang. Ngayon lang din ako naging excited sa buhay ko,” giit ni Angeline at nagkomento si Kuya Boy ng, “bakas sa mukha mo ang ibang saya.”

Bukod sa pagbubuntis, napag-usapan din nina Kuya Boy at Angeline ang ukol sa concert series nito, ang 10Q: Ten Years of Angeline Quinto at the Metropolitan Theater. 10 espesyal na gabi mapapanood si Angge. 10 Amazing concerts, 10 special nights, isang naiibang digital concert series sa loob ng 10 gabi kasama ang 14 powerful musical guest.

Nag-umpisa ito noong October 29 na si Regine Velasquez ang special guest, nasundan noong October 30 with Budakhel, November 26 with Vice Ganda, Nov. 27 with Erik Santos.

Mapapanood naman sa December 25 sina Andrew E at Luis Manzano, Dec 26 si Darren Espanto, January 28 si Moira Dela Torre, January 29 with Nina, February 18 with Ogie Alcasid, at February 29 with Yeng Constantino, Kyla, at KZ Tandingan.

Si Angeline ang kauna-unahang singer na nag-concert sa MET simula nang ito’y maayos.

Napag-usapan din nina kuya Boy at Angeline kung gaano nami-miss nito si Mama Bob gayundin ang tsikang lesbian siya.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Dirty Ice Cream Vivamax

Dirty Ice Cream ng Vivamax ‘di raw pampantanggal init

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil pampa-tanggal init na lang din ang usapan, may bagong …

Pepe Herrera Joey Reyes Bantay Bahay

Pepe pressured sa pagpatok ng horror-comedy movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAW isipin ni Pepe Herrera ang “pressure” na kasali siya sa Pinoy highest …

Willie Revillame

Willie mapapanood pa rin sa AllTV

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BALIK-ALLTV din pala si papi Willie Revillame dahil mukhang ipalalabas din ang bago niyang …

Ysabelle Palabrica Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Ysabelle Palabrica hinangaan husay sa concert nina Rachel, Hajji, at Gino

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na major OPM concert,  Noon at Ngayon sa New Frontier noong …