Thursday , March 23 2023
DonBelle Donny Pangilinan Belle Mariano

Donbelle hinuhulaang magiging number 1 loveteam sa 2022

MA at PA
ni Rommel Placente

KASAMA ang comedian-director na si John ‘Sweet’ Lapus sa pelikulang Love Is Color Blind mula sa Star Cinema na pinagbibidahan ng loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Gumaganap siya rito bilang tiyahin ni Belle.

Sa virtual media conference ng nasabing pelikula, tinanong si Sweet kung kamusta ang pakikipagtrabaho sa DonBelle.

“Pang-38,000 na itong loveteam na nakatrabaho ko,” simulang sabi ni Sweet na natatawa.

Patuloy niya, ”Ang maganda naman sa DonBelle, just like other loveteams na nakatrabaho ko, they really have a very good future together. Iba ‘yung rapport, iba ‘yung magic. I’m sure ‘yun  ‘yung nakikita ng fans kaya naman may pa-billboard sila all over the world. May kakaibang magic, may chemistry.

“Sinabi ko na nga with a fact na sila ang no.1 loveteam of 2021. I’m pretty sure just like other loveteams na nagkatuluyan, DonBelle will be like Kim-Xi, KathNiel and LizQuen na nagkatuluyan eventually.

“Hindi ako magtataka na ‘yun ang mangyayari sa DonBelle, with their magic, on and off camera.”

Ayon pa kay Sweet, marami siyang behind the scene na nakunan kina Donny at Belle na mapapanood sa kanyang vlog. 

Ang Love is Color Blind ay mapapanood na simula sa December 10 (Friday) via iWant TFC, KTX.ph., Smart GigaPlay, Cignal Pay Per View, SkyCable PPV and TFC.

About Rommel Placente

Check Also

GMA7 ABS-CBN

ABS-CBN suko na, tanggap nang GMA ang nangungunang network

HATAWANni Ed de Leon MALUNGKOT din namang marinig iyong sinasabing sumuko na ang ABS-CBN at kinikilala na …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

DonBelle FranSeth Donny Pangilinan Belle Mariano Francine Diaz Seth Fedelin

DonBelle, FranSeth at iba pang youngstar tampok sa  Star Magical Prom 

ISANG maningning na gabi na puno ng saya at pagmamahal ang handog ng Star Magic para opisyal …

Klea Pineda

Klea Pineda umaming gay, member ng LGBTQIA+

RATED Rni Rommel Gonzales INAMIN ni Klea Pineda na isa siyang gay nang ipagdiwang niya ang kanyang …

Amy Austria

Amy Austria naisnab din ng ilang youngstar sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales SA panahon ngayon, normal na para sa mga veteran at senior …