Friday , January 27 2023
McCoy de Leon

Fans ni McCoy may 7 advance screenings

HINDI pa man naisasalang ang Yorme nang gabing idaos ang premiere nito sa isang sinehan sa Maynila, kumalat na ang balitang hindi ito mailalabas ng a-uno ng Disyembre.

Kaya kinalampag ko ang producer ng Saranggola Media Productions na si Edith Fider. Para hingan ng pahayag.

Straight from the horse’s mouth, ”Yes… we had to re-schedule upon request of Yorme himself… 

“He convinced us to move the date until most of the youth are vaccinated already. 

“Initially ‘yun naman talaga ang gusto niyang mangyari, ‘yung makapulutan ng aral ng mga kabataan ang buhay n’ya. Then we are showing, without them… 

“So, sabi n’ya kung pwede umatras muna kami hanggang mas marami na ang nabakunahan. 

“Siyempre hindi ako makatatanggi sa Yorme natin… nakalulungkot especially when we advised the cinemas at sinabing ang dami na nilang online reservation. 

“It will be shown on January 26,2022 instead! 

“Meanwhile, advance screenings muna simula bukas hanggang sa December 24. May 17 block screenings ng naka-schedule sa iba’t ibang lugar! 

“Salamat sa fans ni McCoy de Leon who organized 7 advance screenings, sa mga supporter ni Yorme lalo na sa mga schoolmate niya sa Tondo, ‘yung grupo ng mga tricycle driver, mga senior citizen, at iba pang mga samahan…”

Sa buong Disyembre naman kaya eh, matupad ang hiling ni Yorme na mabakunahan na ang lahat ng kabataang makakapanood sa kanyang life story sa mga sinehan?

Kilos na mga bagets! Get your own doses of the vaxx!!!

(pilar mateo)

About Pilar Mateo

Check Also

Richard Yap Jodi Sta Maria Gabbi Garcia Joshua Garcia

Netizens wagi sa ABS-CBN, GMA, VIU collab

RATED Rni Rommel Gonzales PAYANIG ngayong 2023 ang groundbreaking series na Unbreak My Heart dahil nagsanib-puwersa ang GMA, ABS-CBN, …

Marian Rivera Boy Abunda

Marian pasabog ang mga sagot kay Kuya Boy; feeling sexy ‘pag hinahalikan ni Dong sa paa

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAAALIW at pasabog ang mga sagot ni Marian Rivera kay Boy Abunda sa first episode …

Alden Richards Boy Abunda Julie Anne San Jose Julie Anne San Jose

Alden inamin kay Kuya Boy, Winwyn at Julie Anne niligawan

I-FLEXni Jun Nardo NAPIGA ni Boy Abunda si Alden Richards para magsalita tungkol sa artistang pinormahan nang mag-guest siya …

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …