Saturday , May 21 2022
PANGIL ni Tracy Cabrera

Kailangan ng Caloocan si Egay

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Each of us seems to have a main focus, a particular idea of practicality—a concept of ‘what we want out of life’ against which we judge our experiences.

— American psychic Jan e Roberts

MATAGAL na naging miyembro ng Partido Liberal ang ating kaibigang Caloocan City District II representative Edgar ‘Egay’ Erice at inamin niya sa atin na hindi naging madali ang paglisan niya rito ngunit bunsod ng kawalan  ng plano o ng partido at gayon din sa paghina nito sa larangan  ng politika sa bansa.

Binanggit din ng ating kaibigan na dapat sana’y binigyan ni vice president Leni Robredo ng direksiyon ang LP ngunit dito nabigo ang pangalawang pangulo at marahil ay abala siya sa mas mahahalagang bagay.

Una kong nakaharap si pareng Egay noong 1990s nang isa pa lang siyang konsehal sa lungsod ng Caloocan sa ilalim ni mayor Rey Malonzo. Inimbitahan ako ng aking kaibigang si Arlie Calalo sa isang thanksgiving party para sa Camanava (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) Press Corps at inisponsoran din  ng bahagya ni pareng Egay ang kasiyahan  na ginawa sa planta ng San Miguel Corporation sa MacArthur Avenue.

Sa nasabing okasyon, nabiro ko pa nga si pareng Egay na magwawala ako kapag naubusan kami ng beer. Ngumiti lang ang konsehal at itinuro ang dalawang trailer ng beer na nakaparada sa tabi kung saan kami ay nag-iinuman.

At sa sumunod na [pagkakataon na magtagpo kami ni pareng Egay ay siya na ang kinatawan ng Caloocan]. Dinalaw ko siya sa kanyang tanggapan kasama ang aking asawang si Heidi at biniro niya ako na ingatan ko raw na huwag mauntog ang misis ko dahil baka magbago ang isip at iwanan ako.

At noong 2018, nagkita kaming muli sa aming barangay sa Maypajo at doon ko napagtanto na mas makabubuti kung tatakbo siya bilang alkalde ng aming lungsod.

Pero hindi ito kinompirma ni pareng Egay kahit pa inasahan ko ito dahil wala akong bilib sa panunungkulan  ni Oca Malapitan at lalo na kung ang hahalili ay ang kanyang anak na si District I respresentative Dale ‘Along’ Malapitan.

Sa aking sariling pananaw, mas kailangan at mas makabubuti na ang maging punong lungsod dito sa amin ay si pareng Egay dahil subok ko siya sa maraming pagkakataon .

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

P33.00, hindi nakabibili ng corned beef

AKSYON AGADni Almar Danguilan MAGKAKANO na ba ang isang de latang sardinas ngayon? Depende sa …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Isang Bukas na Liham

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. SA MGA KASAMA, ngayon at dati; kamag-anak, kamag-aral …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Eksperto, hindi polpolitiko sa DOE

PROMDIni Fernan Angeles SA NAPIPINTONG pag-upo ni President-elect Bongbong Marcos bilang ika-17 Pangulo sa Hulyo, …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ikinayaman ang presyohang turon

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ALAM ng mga nakatrabaho ko sa Tempo sa loob …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Taas presyo sa de-lata, gatas, asin atbp, hamon sa BBM admin

AKSYON AGADni Almar Danguilan INAASAHAN sa buwan ng Hulyo o mga kasunod na buwan ay …