Friday , December 3 2021
Dead Thief

Kawatan sa Nueva Ecija todas sa enkuwentro

NAPASLANG ang isang lalaking hinihinalang magnanakaw sa isang hot pursuit operation na isinagawa ng pulisya na nauwi sa enkuwentro sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Biyernes ng gabi, 17 Setyembre.

Batay sa ulat ni P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagkasa ang mga operatiba ng San Jose City Police Station ng pagpapatrolya para sa Oplan Sita sa Brgy. Palestina, sa lungsod ng San Jose kung saan pinahinto ang isang traysikel na Kawasaki Bajaj CT 100 para sa beripikasyon.

Imbes huminto, pinaharurot ng driver ang traysikel na nagresulta sa hot pursuit operation hanggang nauwi sa enkuwentro.

Una umanong nagpaputok ng baril ang driver na kinilalang si Jomar Sabado, ng Brgy. San Isidro, sa bayan ng Lupao, kaya napilitang gumanti ang operating troops na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Narekober mula kay Sabado ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng mga bala, sling-bag, laptop, shoulder bag, at ang tricycle.

Nabatid, si Sabado ay pangunahing suspek sa insidente ng pagnanakaw sa isang guro na naganap dakong 10:00 am noong Biyernes, sa Abar 2nd Elementary School, sa nabanggit na lungsod.

Natangay ng suspek mula sa guro ang isang HP laptop na nagkakahalaga ng P26,000; Vivo cellphone na nagkakahalaga ng P15,000; shoulder bag na naglalaman ng passbook; iba’t ibang ID; at tatlong ATM at credit card.

Lumitaw din sa datos, ang suspek ay dati nang naaresto sa krimeng robbery hold-up at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong Pebrero 2018 ngunit nakapag­piyansa at kasalukuyang under probation. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Benhur Abalos MMDA

Number coding scheme (UVVRP) muling ipatutupad ng MMDA

MULING ipatutupad ngayong araw ng Miyerkoles, 1 Disyembre 2021, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Kalayaan Pagasa Deped

Sa Pag-asa Island, Kalayaan
ELEMENTARY & HS INTEGRATED SCHOOL SA PAG-ASA ISLAND, APRUB SA DEPED

NABIGYAN ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan …

Sa Malabon
2 TULAK ARESTADO SA P.3-M SHABU

KULUNGAN ang binagsakan ng dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga nang makuhaan ng mahigit sa …

Janitor todas sa boga ng Jaguar

ISANG janitor ang pinagbabaril ng isang guwardiya PINAGBABARIL ang isang janitor, na ikinahulog nito mula …

Ayuda ginasta sa toma
KUYA PATAY SA SAKSAK NG KAPATID

PATAY agad ang isang magsasaka sa bayan ng Allacapan, lalawigan ng Cagayan, matapos saksakin ng …

Leave a Reply