Friday , September 30 2022

Marco Polo Ignacio, magkakaroon ng website launching sa June 25

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SI Marco Polo Ignacio ay isang music maestro, violinist, at songwriter. Magkakaroon ng launching ang kanyang website sa June 25, 2021. Ito ay gaganapin sa Handpicked #HilahanPataas Facebook page.

Noong September 18, 2020, ang www.marcopoloignacio.com ay ini-launch bilang artist-business platform para mag-provide ng sheet music at music commissions. Ang kanyang Rondalla Symphonia 2020 ay nag-launch din sa kanyang website na ang sound samples ng kanyang mga komposisyon ay available sa kanyang YouTube channel.

Siya ay naging co-author ng rondalla arrangement book, with Anthony Ryan T. Cruz. Ito ay naaprubahan noong December 2020, bilang book project under DepEd Region III. Ito ay ire-release sa DepEd Schools sa Region III sa School Year 2021-2022.  Ang sound samples ng ilan sa kanyang rondalla arrangements ay maaaring mapakinggan sa YouTube.

Si Marco Polo ay tubong Santa Maria, Bulacan at nagtapos sa University of Santo Tomas Conservatory of Music with a degree of Bachelor in Music, Major in Composition.

Unang natutong mag-piano sa gulang na 5 at naging main instrument ang violin sa gulang na 7. Una siyang nag-enrol sa conservatory as a violin major, kinalaunan ay nag-shift sa composition noong third year dahil sa paglaki ng kanyang interes sa arranging, orchestration, at composition. Naging matagumpay ang kanyang graduation recital sa UST noong October 1, 2007, under Professor Manuel Maramba at Antonio Africa.

Naging district rondalla instructor siya ng Sta. Maria, Bulacan noong 2006. Sa mga taong ito’y inareglo niya ang mga simpleng piyesa ng rondalla na kinalaunan ay na-compile bilang methods book niya para sa rondalla ensemble. Lagi niyang inaareglo ang mga kanta sa pamamaraang madali para sa guitar at bass section at ang melody ng kanta ay hindi mahirap para sa mga Grades 4 to 6.

Noong 2018 at early 2019, in-arrange niya ang ilang mga popular na musika para sa rondalla tulad ng: Titibo-TiboKiss Me, Kiss MeMundo, at Buwan.

Naging viral ang video ng rondalla’s version ng Mundo at na-feature sa 24 Oras ng GMA 7. Ito ay ibinahagi rin sa iba’t ibang news pages sa Facebook at blogs, na naging daan para ang school rondalla ng FFHNAS ay maging kilala.

Noong sumunod na school year, tinugtog nila ang Star Wars MedleyGame of Thrones Medley, at ang pop song na Ikaw at Ako, na naging daan sa kanilang TV guesting sa UNTV’s Good Morning Kuya at Talentado Ka segment ng TV5.

About Nonie Nicasio

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply