Sunday , April 20 2025
Kenken Nuyad

Kenken target ang makagawa ng international movies

ANG dalangin ng child actor (12 years old na siya) na si Kenken Nuyad matapos ang sari-saring bagyong dumaan sa buhay nila ng kanyang pamilya ay, ”Maging matatag, always pray at magpasalamat. Sa mga dinaanan po namin, doon ko naramdaman na maraming nagmamahal sa akin kaya always fight at maging strong sa lahat ng problema lalo pa at ako po ang breadwinner sa aking pamilya.”

Nakita ni Kenken ang isang kulay ng buhay. Ang madilim na parte sa mga pagkakataong halos mamalimos siya sa mga kakilala, para maipagamot ang ina, para maayos ang buhay nila at may makain sa araw-araw at marami pa. Sa pandemya.

Ngayon, muling makikita ang abot-tengang ngiti kay Kenken dahil mapapabilang na siya sa isang artist management company at lumagda na siya ng kontrata rito.

Sa  K5milya ng Star A’s Academy -Production Inc. makakasama ni Kenken sina award winning actor Cogie Domingo, actor/model Conan King, at Tiktoker Rosie Bagenben “Mama Rosie.”

Pinakaiingat-ingatan ni Kenken ang mga simbolo ng kanyang kahusayan sa pagganap at patuloy na binabalikan ang mga ala-alang hatid nito sa kanya.

“Six na awards po Tita ang naipagkaloob na sa akin,  isa sa Cinemalaya, isa sa Star Awards, dalawa sa Urduja, isa sa Gawad Pasado, at isa sa Guillermo po,” ayon kay Kenken.

Ang pangarap ni Kenken ay maging isang mahusay na direktor at makapasok at makilala sa international movies.

Sa ngayon, itinutuloy niya ang online classes kasama ang mga kapatid. Sininop ang tirahang sinira ng kalamidad. At nagsisimulang mabigyan ng mga pinaplano sa kanya ng manager na si Art Halili.

Ang Direk Idol na tinitingala ni Kenken ay si Direk Zig Dulay. At tinatanawan din niya ng malaking pasasalamat si Direk Louie Ignacio sa mga proyektong ibinigay nito sa kanya na laging napapansin ang kanyang pagganap.

“Isa po sa plano ni Papa Art sa akin eh, mag-host, gumawa ng commercials at magkaroon ng mala-‘Goin’ Bulilit’ na show. Kaya dasal po namin ni Mama at ng mga kapatid ko eh, magtuloy-tuloy na at mawala na ang pandemya.”

Para sa mga booking ni bagets please DM Fb page: Star A’s Academy Production Inc. Art Halili 09458559733 fb:art halilijremail:[email protected] lyka:arturohalilijr 2018.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

 

About Pilar Mateo

Check Also

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Rhian Ramos

Rhian bumisita sa 7 simbahan sa Maynila

MATABILni John Fontanilla NGAYONG Holy Week ay inihatid ng programang Where In Manila, hosted by Rhian Ramos ang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *