Thursday , September 29 2022

Newbie recording artist na si GJ Carlos, wish sundan ang yapak nina Jed at Gary

AVAILABLE na ang debut single ng newbie recording artist na si GJ Carlos titled Crush Back. Ito ay released ng PEP Profiles Entertainment, Inc. at available na sa lahat ng digital platforms.

Si GJ ay 17 years old at nag-aaral sa Claret School of Quezon City bilang senior high this coming school year. Siya ay tubong Tuguegarao, Cagayan and Bagac, Bataan.

Nagpatikim si GJ tungkol sa kanyang single.

Lahad ng binatilyo, “Crush Back is a song about a person who likes someone so much and wishes that person to like him back po. The song was composed by my Kuyas Patrick Mark Armada and Jhonatan Padit. Music by Kuya Elmer Jan Bolano who also did “Nung Tayo Pa” ni Janella Salvador and “Laon Ako” ni Kakai Bautista. Both songs are entries in song writing compositions.”

Nagsimula siyang magkaroon ng hilig sa pagkanta sa murang edad na four. Nagpakita siya ang husay sa WCOPA nang sumabak siya rito noong year 2017.

“To sum it up I have two Grand Champion awards and three First runner-up. I stop joining our music fest after I competed in WCOPA in 2017 as per advise of my parents and adviser.

“My best performance sa aking career so far is when I competed internationally at the 21st Annual World Championships of Performing Arts back in 2017 in Los Angeles, USA where I bagged four medals, three silver medals and one bronze.”

Sino ang kanyang musical influences, local and foreign? “My musical influences are varied. Sa local, si Kuya Jed Madela and the one and only Ms. Lea Salonga. Sa foreign naman po, there’s Boy Pablo and Billie Eilish po.”

Nabanggit din ni GJ ang mga artist na wish niyang sundan ang yapak.

Aniya, “Aside po from Kuya Jed Madela. I wish to become like Gary Valenciano who could sing and dance at the same time. I love his energy.”

Nasabi rin niya kung paano nila planong i-promote ang kanyang single. “Since pandemic po at limitado po ang galaw natin, ang promotion ng single ko is via online…through my social media accounts and siyempre some well meaning friends na sumusuporta po sa akin, katulad po ninyo.”

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career?

“I wish I could have the staying power of our music icons like Gary V. and Martin Nievera, despite their age nandiyan pa rin sila performing and entertaining us,” saad pa ni GJ.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Pokwang

Pokwang nagpapatayo ng bonggang summer house para sa 2 anak

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPATAYO ang komedyanang si Pokwang ng tinatawag niyang summer house sa Bataan para sa …

GMA Kapuso stars tulong bagyong Karding

Kapuso stars namahagi ng tulong sa mga apektado ni Karding

I-FLEXni Jun Nardo NAKIPAG-BAYANIHAN ang Kapuso stars sa mga apektado ng Bagyong Karding. Nag-volunteer ang ilang Kapuso …

Blind Item, Man Woman Fighting

 ‘Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply