Thursday , May 26 2022
Parañaque

2nd dose ng Sinovac lumarga sa Parañaque

NAGSIMULA na ang pagbibigay ng 2nd dose ng bakuna laban sa CoVid-19 ng pamahalaang lungsod ng Parañaque para sa frontliners at senior citizens ngayong araw, 22 Abril.

Sinabi ni Dra. Olga Vertucio, head ng Paraña­que City health office, target na mabakunahan ng 2nd dose ang 500 frontliners sa SM Sucat sa Parañaque at 500 senior citizens gamit ang Sinovac vaccine.

Layunin nitong pala­kasin ang vaccination sa lungsod bilang proteksiyon ng frontliners at senior citizens laban sa CoVid- 19.

Ayon kay Dra. Vertucio, nasa 25,000 doses ng Sinovac vaccine mula sa gobyerno ang ginagamit ng lungsod para sa 2nd dose na bakuna sa senior citizens, frontliners at may comorbidities kahapon.

Inihayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ngayon ang huling araw para sa 2nd dose ng Sinovac vaccine mula sa donasyon ng national government at inaasahan ang pagdating ng kanilang biniling bakuna ngayong susunod na buwan.

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …

Leave a Reply