Wednesday , June 24 2026

Manolo, nagka-anxiety sa unang sabak ng lock-in taping

MEMORABLE ang first ever lock-in taping experience ni Manolo Pedrosa para sa GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Pag-amin ni Manolo, sa simula ay hindi niya maiwasang makaramdam ng anxiety lalo pa at ito ang kauna-unahan niyang pagsabak sa lock-in taping at nagtagal ito ng isang buwan.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Manolo sa production team, crew, at kanyang co-stars sa pagpapagaan ng loob niya sa kabila ng nakakapanibagong work conditions.

Sa isang Instagram appreciation post ay pinasalamatan ng aktor ang bumubuo ng serye, ”Being stuck with each other for a month, I am grateful that everyone—cast, prod & crew—was so friendly and accommodating despite complicated work conditions.”   

Special mention din sa post ang kanyang co-stars na sina Pauline Mendoza, Kristoffer Martin, Dave Bornea, Therese Malvar, at Liezel Lopez.

Aniya, ”Special shout out to this group right here, thank you for making this experience fun and it making it so much less stressful than I expected it to be. We’re a team, we supported each other, and we did it!” 

Malapit nang mapanood ang Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA 7.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …