Monday , June 24 2024

Love triangle nina Barbie, Migo, at Kate, tumitindi

CHALLENGING man at nakakapanibago ang naging lock-in taping ng cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, laking pasasalamat pa rin  ni Barbie Forteza na naging maayos ito at natapos ng walang aberya.

Kuwento niya, inalagaan talaga sila nang husto ng management at aminado siyang mas napalapit ang loob niya sa co-stars niya dahil dito.

“Lahat kami nakauwi ng safe and healthy. And ang saya rin kasi kahit ang dami pang restrictions sa set, nagawa naman namin ng maayos. ‘Yung bonding nandoon pa rin naman kahit na socially distanced kami sa isa’t isa.

“Nakakapag-chikahan pa rin naman kahit paano. Masayang-masaya ‘yung experience kasi na-miss namin magkita-kita lahat kasi bago mag-pandemic halos araw-araw magkakasama kami. Ang daming chikahan.”

Dapat abangan ng viewers ang pagpapatuloy ng istorya ng kanilang mga karakter sa serye. Magiging mas kapana-panabik din ang mga eksena lalo na’t tumitindi ang love triangle nina Ginalyn (Barbie), Caitlyn (Kate Valdez), at Cocoy (Migo Adecer).

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *