posas handcuff escape

Gapo inmate pumuga sa escorts (Pulis pinagsisipa)

TINAKASAN ng person deprived of liberty (PDL) na suspek sa ilegal droga at pagnanakaw ang kanyang police escorts nang huminto ang sinasakyang police mobile sa Subic Bay Freeport nitong Miyerkoles, 6 Enero.

Sa panayam, sinabi ni P/Lt. Col. Preston Bagangan, deputy director for administration ng Olongapo City Police Office, dadalhin pabalik sa piitan ang hindi pinanga­lanang inmate matapos subukang marekober ng mga imbestigador ang mga epektos na ibinenta ng suspek sa kalapit na lalawigan ng Bataan.

Ani Bagangan, pinag­sisipa ng suspek ang mga pulis at nagawang tang­galin ang kaniyang posas bago tumakbo.

Ikinasa na ang imbestigasyon sa posibleng pagkukulang ng mga police escort sa insidente.