Tuesday , November 30 2021

Happenstance ni Direk Adolf, makikipagbakbakan sa 10 entries ng MMFF2020

KASABAY na kasabay ang premiere ng BL series na pinamahalaan ni Direk Adolfo Alix Jr., ang Happenstance na mapapanood sa streaming platform na GagaOOLala sa premiere rin ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2020 na mapapanood naman sa Upstream.ph.

Ayon kay Direk Adolf, ang GagaOOLala ang nagbigay ng release date kaya kumbaga eh, no choice siya sa ibinigay na araw ng pagpapalabas ng kanilang series.

At kaya naman pala ito ang date ng release, na every Friday ay mapapanood dahil may siyam itong episodes, ay mataas ang viewership tuwing Biyernes. Bukod pa sa may international audience na ang mga BL series kasabay pa nito ang pagdiriwang ng mga LGBTQ ng holiday season.

Sinabi ni Direk Adolf na na-inspire siyang gawin ang serye dahil sa napabalitang house owner na nakakita ng love letters noong ‘70s habang nagpapa-renovate ng bahay na hinanap ang letter sender na lagpas limang dekada na ang nakalipas.

Ang Happenstance ay pinagbibidahan ng mga baguhang sina Kiko Ipapo at Jovani Manansala. Si Kiko ay isang social media personality at influencer. Pero bago ‘yan isa muna siyang print model at saka pinasok ang showbiz. Si Jovani naman ay nagsimula sa paggawa ng ilang commercial ads at lumabas na Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya, at sa indie films na Mamu; And a Mother Too at Jolly Spirit.

Sila sina Wade at Jose Manuel, dalawang taong sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkakilala sa magkaibang panahon–ang isa ay noong 1974, at ang isa ay nitong 2020.

Si Jose Manuel ay grounded pagkatapos pumasok sa military nang malaman ng tatay niya ang relasyon kay Luis (Shu Calleja), isang aktibista. Si Wade naman ay kasalukuyang nagmu-move on sa nangyaring break-up kay Eric (Saviour Ramos), na biglang inabutan ng quarantine dahil sa COVID-19 pandemic. Pagkatapos ng super moon, nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na mag-connect across time at mahanap muli ang pag-ibig.

Ini-release na ang official trailer nito sa GagaOOLala Youtube channel at ipinakikita roon ang kakaibang galing tampok ang cinematic visuals at complex storyline na may halong fantastical at historical elements.

Sabi nga ni Direk Adolf, “What is going to be interesting is to see the audience reaction on how the two characters will interact and meet given their limitations.”

Iginiit pa ng director na bukod sa isang lovestory ang series na Happenstance, ipakikita rin ang ilang issues na relevant sa magkaibang peiod gayundin ang pagkokompara sa mga ipinagbabawal noong 70s at ngayong may 2020 na may quarantine.

Bukod sa apat na main actors, sinuportahan sila nina Bembol Roco, Rosanna Roces, Alan Paule, Erlinda Villalobos, Angeli Bayani, Ken Anderson, Miggy Campbell, at Stephanie Sol.

Ang Happenstance ay isinulat ni Jerry B. Gracio at idinirehe ni Adolfo Alix Jr.

Ang series na may 9 episodes ay mapapanood na simula December 25 exclusively sa LGBTQ+ streaming platform na GagaOOLala. At para mas maraming audience ang makuha nito, nakipag-collaboration ang GagaOOLala sa Gcash at KTX.ph. para sa New Pricing Options at Content Distribution.

At ngayong Pasko at Bagong Taon, nag-offer ng mas murang plans sa mga users subscriber via Pay TV section ng Gcash app. Ito ay ng 3 days for P49; 7 days for P109; 14 days for P159.

Dagdag pa rito, ipalalabas din ang Unlocked ni Direk Adolf sa December 30 sa TVOD platform KTX.

Samantala, naintriga naman kami na tila naiba o nalihis itong BL series na ito sa mga isinusulat ni Gracio. Paliwanag niya, “Sulat lang ng sulat ng mga kuwento dahil napakaraming kuwento pa para sa napakaraming tao.”

Tama nga naman.

So kung gusto ninyo ng iba pang kuwento, watch na itong Happenstance.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Leave a Reply