Sunday , June 23 2024

Adrian Lindayag ‘di makapaniwalang bida na

UNTIL now, hindi pa rin nagsi-sink-in kay Adrian Lindayag na bida na siya sa isang pelikula na rati ay pinapangarap lamang niya. At sa kauna-unahang pagkakataon, naisakatuparan ito sa pamamagitan ng The Boy Foretold By The Stars na entry ng The Dolly CollectionBrainstormers Lab and Clever Minds, Inc. sa 2020 Metro Manila Film Festival na idinirehe ni Dolly Dulu.

Ayon kay Adrian, “Parang panaginip po! ‘Di pa rin po nagsi-sink-in sa isip ko.”

Dagdag pa nito , “Pero anuman po ang maging reaction ng tao sa pelikula, proud po kami sa trabahong ibinigay ng bawat isa kasi labor of love po talaga ang film na ‘yan. Lahat po kaming involved mula prod, staff, cast to crew, hanggang sa post/editing at promo team, buong puso ang ibinubuhos.” Anong masasabi mo na ayon kay Keann Johnson, napaka-professional mong katrabaho. “’Yun naman po ang turo ng magulang ko sa akin, lalo na ni daddy. Ako po nagpapasalamat sa kanya kasi napaka-gentleman at maalaga. Walang ilangan and I believe we work well together as a team/as partners.”

Ano sa tingin mo ang lessons na matututuhan ng mga manonood ng The Boy Foretold by the Stars“That everyone, whether straight or LGBT, deserves a beautiful love story. Sana po ‘yung mga batang beki na nakakaramdam na hindi sila tanggap sa bahay/pamilya/school at nakakaranas ng pang-aapi dahil “malambot” sila eh makita nila ‘yung sarili nila kay Dominic at sabihin nila, ‘Wow pwede rin pala mangyari sa akin ‘yan’

“I want the effeminate little boys to feel validated and seen. I want them to realize that they are valuable and worthy of love and all the good in life.”

 Sinabi pa ni Adrian na, “Sana magustuhan ng mga manonood ang movie namin ni Keann, dahil ibinigay talaga namin ang best namin dito.”

Kasama rin ni Adrian sa The Boy Foretold by the Stars si Iya Mina. Ito ay mula sa panulat at direksiyon ni Dolly Dulu, hatid ng The Dolly Collection, Brainstormers Lab and Clever Minds, Inc.

Kaya sa Dec. 25, sabay-sabay nating panoorin ang The Boy Foretold By The Stars sa UPSTREAM.ph, ang online platform ng MMFF 2020.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *