Wednesday , October 27 2021

Super health center, kasado sa Maynila — Isko

LALAGYAN ng mas mara­ming  super health centers  ang iba’t ibang bahagi ng lungsod ng Maynila.

Pahayag ito ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna sa pormal na pagbubukas at pagpa­pasinaya ng Tondo Foreshore Super Health Center & Lying-In Clinic sa Tondo.

Sina Moreno at Lacuna ay sinamahan ni Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan sa nasabing seremonya ng pagbukas ng kauna-unahang super health center.

Kaugnay nito, hinikayat ng mga punong opisyal ng lungsod ang mga residente na samantalahin ang libreng  healthcare services.

Pinasalamatan ni Moreno ang SM Foundation, at sinabing hindi gumasta ng kahit isang sentimo ang pamahalaang lokal para sa proyekto.

Pinuri rin ng alkalde si Pangan dahil sa pagtatayo ng super health center sa kanyang pagsisikap at MALASAKIT sa Manileño.

Nabatid kay Moreno na hindi lamang malaki ang Tondo super health center, ito ay episyente rin at nagtataglay ng sapat na mga kagamitan para sa mabilisang tugon sa mga nagdadalang tao.

Kaugnay nito, sinabi ni Lacuna, ang nasabing center na kanilang binuksan ni Moreno ay may specialty clinics para sa family planning, women’s wellness, adolescent counselling,  animal bite, at laboratory. Mayroon din itong play area at pharmacy na pawang libre lahat.

Ayon pa kay Moreno, batid niya ang kahalagahan ng health centers lalo sa mahihirap na hindi kayang bumili ng mga panga­ngailangang medikal  o makakuha ng pangunahing serbisyo medikal.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

kati batok, Krystall Herbal Oil

Dalawang taon pangangati ng batok pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely, Ako po si Felixberto Dorongon, 47 years old, nakatira sa Cavite City.   …

Chavit Singson, Globe, Smart, Dito

Telco Common Towers ni Chavit, handa na para sa Globe, Smart at DITO

BUKOD sa pag-i-invest ni LMP president at Narvacan Mayor Chavit Singson ng 100 million dollars sa South …

Papa Sweet Sarap Banana Ketchup

Papa Sweet Sarap Banana Ketchup, mas pinagtibay sa tulong ng B-Vitamins para magbigay-enerhiya at lakas sa mga bata

BILANG nangunguna sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at masarap na hapagkainan sa bawat Filipink, …

SM Megamall Mandaluyong Menchie Abalos COVID-19 vaccine A3.1 category minors kids

SM SUPERMALLS OPENS PEDIATRIC VACCINATION CENTER IN MANDALUYONG
Phase 2 of A3.1 vaccination program starts rolling out in 17 more locations in PH

WHEN the news broke out that children with comorbidities can get vaccinated, Paul Vincent Lim …

Dr Kilimanguru, DJ Jhai Ho, Kiray Celis, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe

Mga sikat na online personalities sa kanilang #BestTimeWithGlobe

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG sikat na social media personalities, Dr. Kilimanguru, DJ Jhai Ho, at Kiray Celis ang …

Leave a Reply